ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
Sex
ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao
sex
ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
gender
Karaniwang batayan nito ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine o feminine
Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi. 2. Ang mga lalaki ay may titi at testosterone habang ang babae ay may suso at estrogen.
Katangian ng sex
ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak
pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity)
Ang lalaki ay itinuturing na malakas at matipuno samantalang ang mga babae ay tinitingnan bilang mahinhin at mahina. 2. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.
Katangian ng gender
ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa
oryentasyong seksuwal (sexual orientation)
Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at homosexual
mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
Heterosexual
mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian
Homosexual
mga babaeng nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy).
Lesbian
mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki, at bayot).
Gay(Bakla)
mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
Bisexual
ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
Transgender
kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may parehong ari ng lalaki at babae.
Intersex
mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.
Asexual
Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan ang mga tao na naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat
Taong 1931 nang ang antropologong si MargaretMead at ang kaniyang asawa na si ReoFortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa PapuaNewGuinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon ay nakatagpo nila ang tatlong pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugumor at Tchambuli
sa pangkat ng Mundugumor (kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat
Sa Tchambuli (tinatawag din na Chambri), ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 30 bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Tinatayang tatlong milyong kababaihang may edad na 15 ang sumasailalim sa prosesong ito taon-taon.
Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa mga batang babae na may edad 0―15 taong gulang.