M1

Cards (26)

  • Panahon ng Kastila
    Charles V. Sa kutusan niya noong Hulyo 17, 1550 sa mga misyonero, inatasan ang mga paaralan na ang sinakop ng Espanya ay tuturuan ng wikang Espanyol. Subalit naging malalim ang ugat ng diskriminasyon ng mga mananakop sa mga mahihirap na Pilipino at sinabi hindi kailanman maaaring matuto ang mga katutubo ng wika nila, at “mananatiling mga unggoy anupaman ang bihis.”
  • Panahon ng Amerikano
    1901. Tinuruan ang mga Pilipino ng wikang Ingles ng mga Amerikanong lulan ng isang barko na nagngangalang “Thoma
    • Sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt ni Pang. Quezon, ang inisyatiba sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
  • Panahon ng Hapon
    Itinakda ang wikang Tagalog at Nihonggo bilang wikang opisyal, dahil dito sumigla ang pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Tagalog
  • Saligang Batas 1987, Artikulo 14, Sek 6.
    “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, samantalang nalilinang, ito ay dapat na pagyabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.”
  • 1936-Pinalawig ni Pang. Manuel Luis Quezon ang pagpapaunlad ng wika sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing Tagalog ang gagamiting wikang pambansa ng Pilipinas
  • Artikulo 15, Seksyon 2 at 3 ng 1973 Konstitusyon ng Pilipinas
    -ipinatupad ni Pang. Ferdinand Marcos
    -mapaunlad ang wikang Pilipino at maipalaganap ito sa buong bansa. Ipinahayag ding Pilipino at Ingles ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas. Itinatakda ng Saligang Batas 1973 na ang batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat sa wikang pambansa na tatawaging Filipino
  • Executive Order 210 taong 2003. Sa ilalim ng batas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan sa lahat ng asignatura, maliban sa Filipino na hanggang sa kasalukuyan ay wikang pinahahalagahan ng mga unibersidad sa bansa, higit sa sariling wika.
  • House Bill 162 o Multilingual Education and Literacy Act of 2010. Ipinatupad na dapat gamitin ang wikang nakagisnan o bernakular sa pagtuturo sa paaralan simula sa unang taon hanggang sa ikatlong taon ng pag-aaral.
  • Saligang Batas 1935 – Itinatakda nito na dapat gumawa ang kongreso ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal.
  • Department Order (D.O) No. 7, s. 1959 – Nagtadhana na gamitin ang terminong “Pilipino” bilang pambansang wika ng Pilipinas na ibinatay sa Tagalog. Ipinalabas ito ni Jose Romero noong August 13, 1959.
  • Batas Republika 7104, Seksiyon 6. Mga Kapangyarihan at Tungkulin ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
  • Pilipino - Nagmula sa pinagsamang salita, na “pili”, lipi” at “pino” na kung isasalin sa wikang Ingles ay “chosen” “origin”at “refined”.
  • Balbal - Ayon kay Nick Joaquin ito ay tinatawag na language of the street. Kalimitang nabubuo ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga lansangan o sa mga grupong madalas nananahan sa mga lugar na katulad nito.
  • Kolokoyal - wika sa loob ng tahanan. hindi nangangailangan ng istriktong pagtupad sa mga kahingian ng pormal na komunikasyon. Malaya at impormal
  • Pambansa - wikang nauunawaan at nagagamit sa lahat ng dako ng bansa. Kapwa de facto at de jure ang wikang ito.
  • Pampanitikan - Malalim at malikhain ang anyong ito ng wika. Natutunghayan ang ganitong paggamit sa wika sa mga malikhaing akda gaya ng mga tula, nobela, maikling kwento, mga epiko at iba pang akdang pampanitkan.
  • Idyolek - lumilikha ng kanyang sariling pagkakilanlan. Maituturing na sariling istilo ito ng pananalita at paggamit ng wika.
  • Dayalek - Ito ang heograpikong barayti ng isang wika. Bagong anyo ito ng isang wika na nabubuo batay sa paraan ng paggamit nito sa isang lugar.
  • Sosyolek - Wika ng isang partikular na grupong panlipunan. Sa barayting ito malikhaing nakabubuo ng ibang anyo ng wika na tila eksklusibo sa mga kabilang sa isang partikular na pangkat.
  • Lingua Franca - wikang komon sa pagitan ng mga tao o komunidad na nagsasalita ng magkaibang wika
  • Code switching - pagpapalitan ng paggamit ng dalawang wika sa pagitan ng mga pahayag
  • Code mixing - Pinagsasama ang dalawang wika sa loob ng isang pahayag
  • Jargon - Tumutukoy sa mga espesyal na salita o ekspresyon na ginagamit ng isang partikular ng grupo ng mga taong propesyunal at mga espesyalista
  • MTB-MLE- Mother Tongue-Based Multilingual Education
  • Ang MTB-MLE ay ang paggamit ng unang wika (L1) ng mga mag-aaral bilang wikang panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang
  • DepEd Memorandum Order No. DO 16. S. 2012 o ang “Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue-Based- Multilingual Education (MTB-MLE)” ang mungkahing gamitin ang labindalawang lingua franca sa pagtuturo sa mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon. Kabilang sa mga ito ang: Tagalog, Hiligaynon, Kapampangan, Waray, Pangasinense, Tausug, Ilokάno, Maguindanaoan, Bikol, Maranao, Cebuano, at Chabacano