China

Cards (130)

  • Ito ay malaking salik sa pag-usbong ng sibilisasyong Tsino?
    Huang Ho River
  • Ang Huang Ho River ay tinawag ring?
    "Yellow River"
  • Tinawag na "Yellow River" ang Huang Ho River dahil sa anong lupa na naiiwan sa lambak ilog tuwing umaapaw ito?
    Loess
  • Tinawag rin ang Huang Ho river nito dahil karaniwang nakakaranas ang mga Tsino ng pagkasira ng kanilang mga bahay, pananim, at ari-arian tuwing ito ay umaapaw?
    "Pighati ng China" o "China's Sorrow"
  • Bago mabuo ang maunlad at mayaman na kabihasnang Shang, una munang umusbong ang ilang mga pamayanang neolitiko sa lambak ilog, ito ay nahahati sa dalawang panahon, ito ay ang?
    Yangshao at Longshan
  • Ito ay isang maalamat na dinastiya na sumibol sa lambak-ilog ng Huang Ho bago umusbong ang dinastiyang Shang?
    Dinastiyang Hsia (xia)
  • Ayon sa alamat, Itinatag niya ang dinastiyang Hsia nang mapigilan niya ang pagbaha ng Huang Ho river?
    Emperador Yu
  • Tradisyonal na tinatawag ng mga Tsino ang kanilang lupain nito na nangangahulugang "Gitnang Kaharian"?
    Zhongguo
  • Ito ay tawag sa paniniwala ng mga Tsino na ang kanilang lupain ang sentro ng mundo at ng lahat ng mga pangyayari sa mundo?
    Sinosentrismo
  • Nakabatay sa kaisipang sinosentrismo ang kanilang paniniwalang nakatataas ang kanilang lahi at kabihasnan at sinumang hindi tumanggap ng kanilang sibilisasyon ay itinuturing nilang?
    Barbaro
  • Ang mga emperador sa Tsina ay tinatawag na ano batay sa paniniwalang siya ay namumuno ayon sa "basbas ng Langit"?
    "Anak ng Langit"
  • Ito ay nangangahulugang siya ang pinili ng langit upang mamuno?
    Mandato ng langit (mandate of heaven)
  • Ito ay tumutukoy sa pagsasalin-salin ng kapangyarihan sa bawat miyembro ng pamilya o angkan lamang kung kaya't namumuno ang mga ito sa loob ng mahabang panahon?
    Dinastiya
  • Nang mahukay ng mga arkeologo ang ilang mga ebidensiyang nagpapatunay sa pagusbong ng kabihasnang Shang, karamihan sa mga labi nito ay nakagapos kung kaya't binansagan nila itong?
    "Dinastiyang Alipin"
  • Batay sa pag-aaral, Noong 1700 BCE, umusbong ang dinastiyang Shang sa lambak-ilog ng Huang Ho sa panahon ng?
    Panahon ng Bronze
  • Ito ang itinuturing na pinakaunang ganap na sibilisasyong umiral sa China matapos ang panahon ng mga pamayanang Neolitiko sa Yangshao at Longshan?
    Dinastiyang Shang
  • Magkaugnay ang relihiyon at politika sa kabihasnang Shang sapagkat pinamumunuan ito ng?
    Paring-hari
  • Hindi tiyak kung sino ang nagtatag ng dinastiyang Shang bagaman itinuturing siya bilang isa sa mga pinakadakilang pinuno nito na nakilala dahil sa kaniyang kabayanihan sa pakikidigma?
    Wu Ding
  • Naniniwala ang mga mamamayan ng Shang na ang kanilang paring-hari ay may kakayahang makipag-ugnayan sa kanilang mga pinaniniwalaang diyos sa pamamagitan ng paggamit ng mga?
    Butong Orakulo (Oracle Bones)
  • Sa pamamagitan nito, naipababatid ng mga diyos at ng kanilang mga yumaong ninuno ang kanilang kasagutan sa katanungan ng mga mamamayan?
    Butong orakulo (oracle bones)
  • Sa panahon ng digmaan, ang mga paring-hari noong kabihasnang shang ang nangunguna sa pakikipaglaban gamit ang mga sandatang karaniwang yari sa?
    Bronze
  • Gumagawa ang mga Tsino sa panahon ng Shang ng mga baluti, sandata, sisidlan, at mga pigurin mula sa?
    Bronze
  • Bukod sa bronze, gumagamit din ang mga Tsino ng mga ito upang makalikha ng mga pigurin na karaniwang may anyong tao at hayop?
    Jade
  • Isang uri ng pino at maputing luwad (clay) na ginagamit sa paggawa ng mga porselana?
    Kaolin
  • Higit na umunlad sa panahon ng Shang ang paglikha ng telang seda mula dito na karaniwang ginagamit ng mga maharlika bilang kasuotan?
    Silkworm
  • Ang Dinastiyang Zhou ay itinatag niya sa hilagang China partikular sa kanlurang bahagi ng Wei river?
    Emperor Wu
  • Sa panahong ito, umunlad ang lipunan, agrikultura, kalakalan, politika, at pilosopiyang Tsino?
    Dinastiyang Zhou
  • Ang pagpapatayo ng mga ito noong panahon ng Zhou ay nagbigay ng positibong pagbabago sa larangan ng pagsasaka dahil sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig?
    dike at irigasyon
  • Isa rin sa mahahalagang salik sa pag-unlad ng agrikultura sa panahon ng Zhou ay ang pagkakaimbento nito na nagpadali sa pagbubungkal ng lupa?
    Ararong yari sa bakal
  • Ano ang mga kagamitan na nagbigay lakas sa puwersang militar ng Dinastiyang Zhou?
    Horse-drawn Chariot at crossbow
  • Ano ang tawag sa sandatang crossbow na gawa sa bakal na ginagamit noong panahon ng zhou?
    "Arrows of flying fire"
  • Dahil sa mahabang panahong kaguluhan, tinawag din ang dinastiyang Zhou bilang?
    "age of the warring states"
  • Batay sa pilosopiyang ito, itinaguyod niya ang mga birtud (virtues) ng buhay o mga tamang asal na nararapat taglayin ng tao, mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno at ng pamahalaan, at ang mga pangunahing relasyon sa lipunan na nararapat pananatilihing maging mabuti upang mapanatili ang kaayusan?
    Confucianism
  • Ang pilosopiyang Confucianism ay itinaguyod ni?
    Confucius
  • Isa sa mga pinakakilalang aral ni Confucius ay ang "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sayo" na mas kilala bilang?
    Golden rule
  • Higit pa niyang pinagyaman ang Confucianism, siya rin ang isa sa pinakamahuhusay na mag-aaral ni Confucius?
    Mencius
  • Pangunahing itinataguyod ng pilosopiyang ito ang kaisipang nararapat na mamuhay ang tao nang naaayon sa batas at daloy ng kalikasan upang makamit ang ganap na kaayusan sa lipunan?
    Taoism
  • Ang pilosopiyang Taoism ay itinaguyod ni?
    Lao Tzu (Lao Tze)
  • Batay sa pilosopiyang ito, ang tao ay likas na masama at sakim. upang makontrol ang katangiang ito ng tao, nararapat na magpatupad ng malupit na paraan ng pamumuno at mararahas na batas?
    Legalismo
  • Ang pilosopiyang Legalismo ay itinaguyod ni?
    Shang Yang at Han Feizi