YUNIT 1.2

Cards (41)

  • TAGALOG– katutubong wikang pinagbatayan ng Pambansang wika ng Pilipinas. (1935)
  • PILIPINO – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas. (1959)
  • FILIPINO - kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas
  • MGA PANGKAT NA DAYUHAN SA ATING BANSA
    Negrito, Indones, Malay
  • NEGRITO – ambag ay ang pasalindilang anyo .
  • INDONES – maunlad na kabihasnan na nagdala ng kanilang alamat, epiko na naiupunla rin ang kanilang dalang wika
  • MALAY – nagmula ang sistema ng pamamahala, wika at sistema ng pagsulat.
  • Ayon kay Gleason: MALAYO-POLINESYO ➢ Dito nagmula ang wika sa Pilipinas. ➢ Nabibilang dito ang mga wika at wikain sa Pilipinas
  • Sa pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi sa Pilipinas na pormal na pananakop ng Kastila. ➢ Layunin ng kanilang pananakop ang pagtuklas ng pampalasa (spicies) sa bansa. ➢ Kristiyanismo ➢ Ang unang nagsagawa ng pag-aaral sa mga katutubong wika sa Pilipinas ay mga Prayle
  • SALIGANG BATAS NG BIAK-NABATO
    Ang batas na nagpahayag na ang gamiting wikang opisyal sa panahon ng himagsikan ay Tagalog.
  • BATAS Blg. 74 KOMISYON NG PAMPILIPINAS

    Batas na nag-utos na gamitin Ingles ang bilang wikang wikang panturo sa mga itatag na paaralang bayan. • Panahon ng Amerikano umiral ang batas na ito
  • BATAS KOMONWELT Blg. 184
    Ito ay ipinatuad bilang probisyong pangwika sa Saligang Batas 1935 na pinamunuan ni Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936 na naglalayong bumuo ng samahang pangwika
  • BATAS KOMONWELT Blg. 333
    Ito ang batas na nagpapatibay sa pagkakaroon ng nasabing samahan ng Surian ng Wikang Pambansa.
  • KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP Blg. 134
    Ito ay pinagtibay ni Pang. Quezon noong Disyembre 30, 1937 na Tagalog ay batayan ng Wikang Pambansa
  • KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP Blg. 263
    Sa bisa nito nabuong ganap ni Lope K. Santos ang talatinigang may pamagat na “A TagalogEnglish Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa
  • KAUTUSANG PANGKAGAWARAN Blg. 1
    Inutos ni Jorge Bacubo na ituro ang wika base sa Tagalog sa taong panuruan 1940-1941 sa lahat ng paaral
  • ORDER MILITAR Blg. 13
    Ipinabisa ang paggamit ng wikang Hapon at Tagalog sa bansa noong Hulyo 1942 dahil sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig.
  • TEORYANG BOW-WOW• Ang wika ay nagmula sa pamamagitan ng panggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan
  • TEORYANG YUM-YUM
    Ito naman ay ginaya ng tao ang iba’t ibang galaw ng mga bagay sa paligid sa pamamagitan ng kanyang bibig na kalaunan ay may kaakibat ng tunog at ang tunog ay nilapatan ng kahulugan.
  • TEORYANG POOH-POOH
    Ito naman ay sa pamamagitan ng kagustuhan ng taong maipahayag ang kanyang damdamin, siya ay nakalilikha ng tunog na may kahulugan.
  • TEORYANG YO-HE-HO
    Ang tao ay nakalilikha ng tunog kapag siya ay gumagamit ng puwersang pisikal
  • TEORYANG TARARA-BOOM-DE-AY
    Mula sa mga primitibong tao na may mga ritwal
  • TEORYANG TA-TA
    Sa impluwensya ni Darwin, si Sir Richard Paget (mula sa Origin of Language, 2003) ay may paniniwala na ang galaw ng katawan ay may kaakibat na wika
  • TEORYANG DING-DONG
    Ito ay may kaugnayan sa teoryang bow-wow subalit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga tunog ng kalikasan
  • TEORYANG SING-SONG
    Dito naman ay ang wika ay nabuo sa pamamagitan ng mga awit at sayaw ng sinaunang tao.
  • 1935
    Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtatadhana tungkol sa wikang pambansa: ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral a katutubong wika (Seksyon 3, Artikulo XIV
  • Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
  • Sek. 8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang pangrehiyon, Arabik at Kastila.
  • Nobyembre 9, 1937
    Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184, kaya naman ito ay pinagtibay bilang saligan ng wikang pambansa.
  • Disyembre 30, 1937
    Bilang alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalo
  • Agosto 13, 1959
    Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kaawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. na kailan 7, na nagsasaad ma’t tutukuyin Pambasan, ang ang Wikang salitang PILIPINO ay siyang gagamiti
  • Nobyembre 13, 1936
    Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon
  • Artikulo XIV, Sek. 9 ng Konstitusyong 1987: ➢ Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika ara sa kanilang pagapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
  • Hunyo 7, 1940
    Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana na ang Pambansang Wika (Tagalog) ay magiging isa na s amga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
  • Artikulo XIV, Sek. 7 ng Konstitusyong 1987: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles
  • Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filiino ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino.
  • Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay ng Lingguwistika ang Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Tuluyan nang isinasantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, bagamat ano mang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 gabay ay mananatiling ipatutuad
  • Marso 26, 1954
    Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama ng Blg. 186 na nagsususog sa Proklama Blg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang pambansa taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. sa panahong saklaw ang ng kaarawan ni Quezon Nakapaloob pagdiriwang (Agosto 19)
  • Bago ito ay ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika kasabay ng kaarawan ni Francisco Baltazar o Araw ni Balagtas.
  • Hulyo 29, 1971
    Nilagdaan Pangulong at ipinalabas ni Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/ tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang