Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
Sa apat na makrong kasanayang pangwika, pagsulat ang pinakahuli.
Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang ISANG PROSESO, kaysa bilang isang awtput.
Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain.
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.
Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan.
Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang
pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral.
Malinang ang katapatan sa bawat mag-aaral (Intellectual honesty).
Ang akademikong pagsulat ay inaasahan ding makpagturo sa mga-aaral ng HALAGA ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na isipan.
Para sa pangkatang pagsulat, kailangan ang Kooperasyon, paggalang sa indibidwal.