L2 A. Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

Cards (9)

  • Mahirap lapatan ng isang simpleng depinisyon ang terminong “Akademikong pagsulat” dahil tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming kadahilanan.
  • Ang isang Pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang PANGANGAILANGAN sa pag-aaral.
  • Ang pagsulat na ito ginagagamit sa publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik na inilalahad sa mga komperensya.
  • Ang pagsulat na ito ginagawa ng mga mag-aaral, guro at mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
  • Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo.
  • May malinaw na inaasahan o ekspektasyon.
  • KATOTOHANAN: Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakakagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
  • EBIDENSYA: Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilahad.
  • BALANSE: Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinion at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.