Filipino

Cards (56)

  • Awiting-bayan - ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma.
  • Bulong - ay ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at ilog. punso at iba pang pinaniniwalang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at ibang makapangyarihang espiritu nang hindi sila magalit at manakit.
  • Awiting-bayan o Kantahing bayan - Pasalitang pagpapahayag ito ng damdamin ng mga katutubo. Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa kabataan kaugnay ng mga dapat ikilos at gawin. May iba't ibang uri ito batay sa sitwasyon o layunin ng pagkakabuo nito.
  • Kundiman - ang panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig. Nagsasaad ito ng kabuuang mga damdamin at mga saloobing ipinangangako ng pag-ibig
  • Diona o ihiman -ang awiting-bayan sa kasal.
  • Talindaw - ay inaawit habang namamangka at habang nagsasagwan.
  • Ang oyayi o hele - ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol. 
  • Kutangkutang - na ang layunin ay magpatawa. magpasaring o manukso.
  • Awit para sa pag-ibig sa bayan. Tinatawag din itong awit sa ( Pakikidigma ). 
  • Kumintang o tikam - na nagtataglay ng malungkot na himig, na karaniwang inaawit ng mandirigma 
  • Dalit o imno - ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sa mga santo at santa ng mga Katoliko sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.
  • Tunghayan ang iba pang uri ng awiting namayani sa iba't ibang lugar sa ating bansa:
    1. Tingad
    2. Sambotani
    3. Dopayinim
    4. Dolayanin at Indolanin
    5. Tingud
    6. Umbay
    7. Ombayi
    8. Omiguing
  • Soliranin - ang awitin sa paggaoa.
  • Tingad - Awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho.
  • Sambotani - Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban.
  • Dopayinim - Awit sa pagdiriwang sa pagtatagumpay sa isang labanan.
  • Dolayanin at Indolanin - Awit panlansangan.
  • Tingud - Awit pantahanan 
  • Umbay - Awit panlibing
  • Ombayi- Isang malungkot na awit
  • Omiguing - Isang malambing na awit
  • Bulong - ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Isang panalangin ang bulong na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa buhay na maaaring magtadhana ng kapalaran. Binubuo ng ilang taludtod at ginamit upang hingan ng paumanhin ang mga lamang-lupa, tulad ng duwende at espiritung hindi nakikita.
  • Balbal - Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay karaniwang likha
  • Kolokyal - Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Karaniwang may palit koda (code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles.
  • Lalawiganin o Diyalektal - Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang salitang lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan.
  • Teknikal - Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.
  • Pampanitikan - Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan kabilang dito ang matatalinghagang salita at pahayag na nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
  • Banghay - na payak lamang subalit magkakaugnay ang mga pangyayari na may layuning masagot ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, pangyayari o katawagan. 
  • Panimula - Dito nagaganap ang pagpapakilala at suliranin ng pangunahing tauhan
  • Papataas na pangyayari - Nagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes ng mga mambabasa
  • Kasukdulan - Dito haharapin ng pangunahing tauhan ang kaniyang suliranin
  • Pababang pangyayari - Nalulutas ang suliranin patungo sa wakas
  • Wakas - Nagtatapos ang akda
  • Tauhan - na gumaganap sa alamat na maaaring pangunahin, pantulong at iba pang tauhan. Ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan nito.
  • Tagpuan - na naglalarawan ng lugar na pinagganapan ng mahahalagang pangyayari sa isang alamat.
  • Paglalarawan - Isang uri ng tekstong naglalayong ilarawan o bigyang-katangian ang pisikal na katangian ng mga pangunahing tauhan at ilang mga bagay.
  • Komiks - ay isang epektibong babasahin sa ating bansa at maituturing na anyo ng panitikang Pilipino.
  • Ang Komiks ay binubuo ng: frames, teksto at mga diyalogo. 
  • Frames - nakalagay ang mga salitaan at ilustrasyon na kailangan ng tagaguhit. 
  • Texto - ang mga salaysay at mga diyalogo.