Ang pagsulat ay isang personal na gawain na ginagamit para sa layuning.
Sosyal na gawain ang pagsulat kung ginagamit para sa layuning panlipunan o kung nagsasangkot ito sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.
Ang layuning ay tinatawag na TRANSAKSYUNAL.
Inuri nina Bernales et al. ang mga layunin sa pagsulat sa tatlo: impormatibo, mapanghikayat at malikhain.
IMPORMATIB NA PAGSULAT ay kilala rin sa tawag na expository writing.
Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. [Impormatibn na Pagsulat]
MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT ay kilala sa tawag na persuasive writing.
Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. [Mapanghikayat na Pagsulat]
Halimbawa ng MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT: editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at konseptong papel.
MALIKHAING PAGSULAT ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda.