Ang Batas Republika Blg.1425 o mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay nagtatadhana ng pag-aaral ng buhay, isinulat at mga ginawa ni Rizal partikular ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Nilalayon din ng batas na ito, na ang lahat ng aklatan sa bawat kolehiyo at unibersidad ay dapat magkaroon ng orihinal na sipi ng dalawang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ang Batas na ito ay pinagtibay noong Hunyo12,1956 na tinawag ding House Bill No 5561 na pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No 438 na pinangungunahan ni Senador Claro M Recto.
Ang batas na nabang-git ay ipinatupad noong Agosto 16, 1956 ng Pambansang KapulunganngEdukasyon ayon sa pagkakalathala sa Official Gazette.
Ang Batas Pambansa bilang 229 ay inaprubahan ng Kongreso ng Pilipinas noong Hunyo 9, 1948 na nagtatadhana ng pagbabawal ng paglalaro ng jai-alai, pagsasabong at karera ng kabayo tuwing ika-30 ng Disyembre.
Ang lalabag sa batas ay makukulong ng hindi lalabis sa dalawang taon at magmumulta ng dalawang daan piso (200).
Ang panukalang ito ay hindi sinang-ayunan ng hirarkiya ng simbahan na pinangungunahan nina Senador Decoroso Rosales, Mariano J Cuenco at Francisco Rodrigo.
Naniniwala sila na ang panukalang ito ay ni-lalabag ang kalayaan sa relihiyon.
Mahigpit na tinutulan ng simbahan ang pagpapatupad ng batas na ito dahil sa kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangereat El Filibusterismo na naglalaman ng subersibong babasahin laban sa simbahan at maaaring makasira sa imahe ng simbahang Katoliko na maging daan sa pagsalungat ng mga taong makakabasa nito sa turo ng simbahan.
Pagkapili ng Bayan isang Pilipino yumao na maymatayog na pagmamahalsabayan may mahinahongdamdamin.
Ang Batas Republika Blg.1425 ay naipasa para muling buhayin ang diwa ng nasyonalismo at ng kalayaan na nakaukit sa buhay at mga akda ni Rizal.