Sosyedad Week 2

Cards (29)

  • Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.
  • Ang bayograpiikal ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda, ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
  • Mga halimbawa ng bayograpiikal: “Si Boy Nicolas” ni Pedro L. Recarte, “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes, “Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Doktor-Manunulat” ni Dr. Luis Gatmaitan, “Florante at Laura: Kay Selya” ni Fracisco Balagtas, “Mga Gunita” ni Genoveva Matute, “Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo Reyes.
  • Ang historikal ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siya masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog.
  • Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal, Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, Satanas sa Lupa ni Celso Carunungan, Laro sa Baga ni Edgar Reyes, Ito Pala ang Inyo ni Federico Sebastian, May isang Sundalo at Nana ni Rene Villanueva ay mga halimbawa ng realismo.
  • Ang Pormalistiko ay naniniwala na ang kariktan ng isang akda ay nasa anyo o porma nito.
  • Walang kaugnayan ang pinagmulan, pagkatao at mga karanasan sa buhay ng isang akda sa pagkakabuo ng isang panitikan.
  • Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan.
  • Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarain at paraan ng pagkakasulat ng isang akda.
  • Ang teoryang siko-analitiko ay pinapaniwala na nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng matsuridad ang isa ng tao bunga ng kaniyang katauhan.
  • Siko-analitiko : Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila gayon din ang mga negatibong damdamin ng pangamba, takot, pagkabigo at iba pa.
  • Nais din ng historikal na ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
  • Mga halimbawa ng historikal: “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Dr. Jose P.
  • EKSISTENSYALISMO Mga Halimbawa: “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla • “Aanhin ninyo ‘yan?” Panitikang Thai, salin ni Lualhati Bautista.
  • SOSYOLOHIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
  • Eksistensyalismo: Samakatwid binibigyang - diin dito ang personalidad ng tauhan at may layuning ipakita na may kalayaan ang taong pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.
  • FEMINISMO Ito ay tumutukoy sa kalaksan kakayahan ng tauhang babae sa kuwento o akda at ang layunin magpakilala ng kakaaya-hang pambabae at iangat ng pantiikan ay mga kababaihan.
  • DEKONSTRUKSYON Ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.
  • Eksistensyalismo : Ang tao lamang ang sentral at tanging nilikha na makapagbibigay ng kahulugan sa kanyang sariling buhay at kairalan; na wala nang ibang nilikha ang makapag-iisip at makapagdedesisyon sa lahat ng kanyang ginagawa maliban sa kanya.
  • Klasismo ay ang layunin ng panitikan na maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-ibig, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
  • Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog ni Inigo Ed Regalado ay isa sa mga pangunahing tulang Tagalog.
  • Mga halimbawa ng Romantisismo: "Dekada '70" ni Lualhati Bautista.
  • Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian Cruz Balmaceda ay isa sa mga pangunahing tulang Tagalog.
  • Mga halimbawa ng Klasismo: "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas.
  • Romantisismo ay isang sistema kung saan ibig sabihin ay ang tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
  • Humanismo ay isang sistema kung saan ibig sabihin ay ang tao ang sentro ng mundo at binibigyang-tuon ang kalakasan at abu b u t i ng katan g i a n ng tao gaya ng talino, talento atbp.
  • Imahismo ay isang sistema kung saan ibig sabihin ay ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayak sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
  • Mga halimbawa ng Humanismo: "Ako ang Daigdig" ni Alejandro G. Abadilla.
  • Realismo ay sukdulan ng katotohanan, higit na binigyang pansin o pinahahalagahan nito ang katotohanan kaysa kagandahan.