Seksyon 1. Hindi dapat alisan ang sinuman ng buhay, kalayaan, o ari-arian nang hindi dumadaan sa tamang proseso.
Seksyon 2. Karaptan sa pakanatagan laban sa hindi makatuwirang paghahalughog o pagdakip.
Seksyon 3. Karapatan sa pribadong komunikasyon.
Seksyon 4. Kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, at mapayapang pagtitipon.
Seksyon 5. Kalayan sa malayang paniniwala at pagpili ng relihiyon.
Seksyon 6. Karapatan sa paninirahan at sa pagbabago ng tirahan, at sa paglalakbay.
Seksyon 7. Karapatan sa malayang impormasyon.
Seksyon 8. Karapatan sa pagtatag ng asosasyon, samahan, unyon, o kapisanan.
Seksyon 9. Karapatan sa pribadong ari-arian.
Seksyon 10. Pagbabawal sa paggawa ng isang batas na pumipinsala o nagbabago sa mga obligasyon na nakapoob sa kontrata.
Seksyon 11. Karapatan sa malayang pagdulog sa mga hukuman.
Seksyon 12. Karapatan sa remedyong legal at kalayaan sa pagpapahirap.
Seksyon 13. Karapatan sa pagpiyansa.
Seksyon 14. Karapatan na ituring na inosente hangga't hindi napatutunayan ang sala.
Seksyon 15. Ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus ay hindi maaaring suspendihin maliban kung may pananakop o rebelyon at nangangailangan ng pampublikong kaligtasan.
Seksyon 16. Karapatan sa madaliang paglutas ng kaso.
Seksyon 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
Seksyon 18. Karapatan sa paniniwalang pampolitika.
Seksyon 19. Kalayaan laban sa di-makataong parusa tulad ng kamatayan.
Seksyon 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang.
Seksyon 21. Kalayaan laban sa ikalawang pagkakahabla.
Seksyon 22. Hindi dapat mapagtibay ng batas na ex post facto o bill of attainder.