Isinalin naman ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga 6._______________ ng iba’t ibang departamento at gusali ng pamahalaan, dokumento, papeles para sa kasunduang panlabas, 7.____________________ at iba pa. Sa kabila ng mga kasiglahang nabanggit, ang pagsasaling-wika bilang isang sining ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang kuna o duyan, lalo na kung ihahambing sa antas ng kaunlaran sa larangang ito sa ibang kalapit-bansa natin sa Silangang Asia. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano sa Biblia ay nakilala sa tawag na 8._____________.