FIL SEM 2 1 PAGBASA

Cards (16)

  • Ayon kay Anderson et al.(1985), sa aklat na Becoming a Nation na sinipi naman sa aklat ni Sicat et al.(2016), ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t ibang magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyON
  • Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng inter-aksiyon ng: 1. imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; 2. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at 3. konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabaSA
  • Braille – pagbabasa ng mga bulag
  • Notasyon o Pictogram – mga sings o simbolo
    1. Maingat • Kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya at suriin kung gaano kalohikal ang teksto.
  • 2. Aktibo • Habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong isinasagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang pagpapahayag ng teksto
  • 3. Replektibo • Nabibigyang- katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling kaalaman o karanasan ng mambabasa
  • Intensibong Pagbasa • a. Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugab
  • Intensibong Pagbasa • b. Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas opaggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng magaaral ang isang teksto
  • Ekstensibo • Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang assignatura
  • Scanning - Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. • Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon
  • Skimming - Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
  • Contextualizing - Pagsasaayos ng teskto sa paraang historikal, biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural
  • Bago Magbasa - sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin - nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasa
  • Habang Nagbabasa -Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen.
  • Pagkatapos Magbasa - Nakapaloob sa bahaging ito ang Pagtatasa ng komprehensiyon, Pagbubuod, Pagbuo ng sintesis, at ebalwasyon