Kosepto ng Kasarian

Cards (23)

  • Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
  • Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
  • Ang sex ay nagpapakita ng pagiging lalaki o male at babae o female
  • Ang gender ay nagpapakita ng panlalaki o masculine at pambabae o feminine
  • Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin man ang mga lipunan
  • Sa aspekto ng gender, maaaring malaki ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan
  • Ang gender roles ay natututunan sa pamamagitan ng iba't-ibang social institutions kagaya ng pamilya, eskuwelahan, mass media, relihiyon, estado, at lugar ng trabaho
  • Ang gender roles ay puwedeng magbago sa pag-usad ng panahon
  • Ang gender roles ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan
  • Ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal, at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa
  • Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal at homosekswal
  • Heterosexual - mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
  • Homosexual - mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kaparehas
  • Lesbian - mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae
  • Gay - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
  • Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
  • Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan
  • Asexual - mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
  • Pansexual - mga taong maaaring makaramdam ng atraksiyon sa lahat ng uri ng kasarian
  • Ang gender identity ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya'y ipanganak
  • Ang gender identity ay kasama ang personal na pagtuturing sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos
  • Ang simbolo ng lalaki ay ang pana at ang simbolo ng babae ay ang imahen ng salamin
  • Ang simbolo ng LGBT ay binubuo ng mga kulay na may kahulugan tulad ng red, orange, yellow, green, blue, at violet