Binaril sa Bagumbayan (ngayo'y Luneta) noong Disyembre 30, 1896
Mga Magulang:
<|>Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos
Mga Ninuno:
<|>Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik)
Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila)
Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Padre Pedro Casañas
Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao)
Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda
Jose Protacio - first name
Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo
Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19)
Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang "pamilihan/market" sa wikang Español
Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa o maiden name; middle name ni Jose Rizal
Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo; mula sa salitang Español na "ricial" (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley)
Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal
Mga Kapatid:
<|>Saturnina
Paciano - tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa Europa; naging heneral ng Hukbo ng Rebolusyong Pilipino
Narcisa
Olympia - namatay sa 13 oras na panganganak
Lucia
Maria
Concepcion - namatay sa sakit sa edad na 3 taon
Josefa - naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan
Trinidad - tinuruan ni Jose ng Ingles; pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng teksto ng Mi Ultimo Adios
Soledad
Unang Guro: ang kanyang ina
Nagturo ng alpabetong Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin at panimulang pagbasa
Unang Pighating Naranasan: pagkamatay ni Concepcion (Concha) na lagi niyang kalaro
Unang Tulang Sinulat: "Sa Aking mga Kabata" (sinulat sa Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa sariling wika; 8-taong gulang siya noon)
Mga Tiyuhing Nakaimpluwensya:
<|>Tiyo Manuel - palakasan/sports
Tiyo Gregorio - pag-ibig sa aklat
Tiyo Jose Alberto - husay sa sining/art
Unang Guro sa Pormal na Edukasyon: Justiniano Aguino-Cruz (paaralan sa Biñan, Laguna)
Unang Kawalang-katarungang Dinanas ng Pamilya Rizal: pagkakulong ni Doña Teodora dahil sa walang basehan na paratang ng paglason sa hipag/sister-in-law niya
Pangyayaring Nagmulat kay Rizal sa Kawalang-katarungan sa Pilipinas: Pagbitay sa Gomburza
Buhay-High School: sa Ateneo Municipal (nasa loob ng Intramuros, Maynila noon; paboritong paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga Heswita/Jesuit