FIL MODULE 13

Cards (22)

  • MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA
    Nakikilala at nakukuha ang mga ideya at kaisipan
    sa mga nakalimbag na simbolo.
  • APAT NA YUGTO NG PAGBASA
    Pagbasa sa akda
    Pag-unawa sa binasa
    Reaksyon sa binasa
    Pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong
    kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman
  • DAHILAN NG PAGBASA
    Nagiging daan upang maging maalam at
    magkaroon ng kamulatan sa mga nangyayari sa
    lipunan
  • MGA HAKBANG SA PAGBASA (William S. Gray)
    Persepsyon
    Komprehensyon
    Reaksyon
  • Persepsyon
    – ito ay estado ng pagkilala o
    pagtukoy sa kamalayan sa isang bagay sa mga
    nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas
    ng mga tunog
  • Komprehensyon
    – ang kakayahang maunawaan
    ang nilalaman ng mga teksto sa pamamagitan ng
    pagbuo ng konsepto
  • Reaksyon
    – nangangailangan ito ng paghuhusga at
    pagwawari tungkol sa kung ano ang sinabi ng
    manunulat
  • DALAWANG PARAAN NG PAGSASAGAWA NG REAKSYON
    (Aban at Cruz)
    Intelektwal
    Emosyonal
  • Intelektwal
    – tuwirang nasaling ang pag-iisip ng
    mambabasa na humahantong sa pagpapasya sa
    kawastuhan at lohika ng binasa
  • Emosyonal
    – higit ang paghanga sa istilo at
    nilalaman ng teksto
  • Integrasyon/Asimilasyon
    – kakayahang
    maiangkop sa buhay ng mambabasa ang anomang
    konseptong nauunawaan upang maging
    mahalagang bahagi ng kanyang karanasan para sa
    kinabukasan
  • SKIMMING o “pinaraanang pagbasa”
    pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang
    tao. Ito ay nangangahulugan din ng pagtingin sa
    isang teksto o kabanata nang mabilisan para
    magkaroon ng pangkalahatang ideya sa nilalaman
    ng materyal at kasanayan sa pagkilala ng salita
    upang maunawaan ang isang teksto
  • SCANNING
    – tumutukoy sa paghahanap ng isang
    tiyak na impormasyon sa isang pahina. Sa uri na
    ito ng pagbasa, hindi na hinahangad na makuha
    ang kaisipan ng sumulat dahil ang mahalaga rito
    ay makita ang hinahanap sa madali at mabilis na
    paraan
  • KASWAL
    – di-gaanon seryoso ang pagbasa tulad
    na lamang kung nagpapalipas ng oras
  • Previewing
    • ang uring ito ay hindi agad
    nagtutuon ng pansin sa kabuuan ng teksto.
  • Matiim na Pagbasa
    – higit na maingat na pagbasa; ang
    mga impormasyong nakalap ay karaniwang ginagamit sa
    sulating teknikal
  • Pagtatala
    – ginagawa habang nagbabasa ang pagtatala sa
    mga mahahalagang detalye na kinakailangan ng
    mambabasa
  • Muling Pagbasa
    – pag-uulit ng pagbasa upang higit na
    maunawaan ang teksto. Sa muling pagbasa, maiiwasan
    ang muling konsepto sa isipan na nabuo sa unang
    pagbasa
  • Teoryang Bottom-Up
    Tinatawag din itong “outside-in” o “data
    driven” sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula
    sa tagabasa kundi sa teksto.
  • Teoryang Top-Down
    Tinatawag din ang teoryang ito na “inside out” o
    “conceptually-driven” dahil ang kahulugan o impormasyon ay
    nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
  • Teoryang Interaktib
    Higit na angkop ang kombinasyong top-down
    at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng
    komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang
    ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan.
  • Teoryang Iskima
    bago pa man basahin ng isang mambabasa ang
    teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula
    sa kanyang iskima sa paksa.