Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan: Kapag naisagawa ito, higit na mapapadali at mapapabilis ang pagproseso sa tinanggap na kaalaman o impormasyon na higit na makatutulong sa matagumpay na pag-unawa sa binasa.
Opinyon: ito ay personal na haka-haka at pagkukuro. inilalahad nito ang sariling paniniwala ng mga tao tungkol sa mga bagay bagay.
Katotohanan: ito ay pagpapatotoo sa isang bagay o pangyayari. napapatunayan ito sa pamamagitan ng pagsusuri at paghahambing sa iba't ibang mga karanasan sa paligid.
Ang ideya ay ang kabuuang kaisipang tinatalakay at nililinang sa teksto. Ito ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan na inilalahad sa pamaksang pangungusap na maaaring matagpuan sa simula, gitna o wakas ng teksto o mga talata.
ang detalye naman ay ang sumusuporta sa pangunahing ideya.
ideya Ito ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan.
Ang mga detalye rin ang naglalaman ng mga sagot sa mahahalagang tanong sa pag-unawa sa binasa tulad ng sino, saan, kailan, bakit at paano.
Pagtukoy sa Hulwaran ng Organisasyon
Ang hulwaran o estilo ng pagsulat o organisasyon ng teksto ay tumutukoy sa sistema o paraan kung paano binuo at inilahad ng manunulat ang iba’t ibang ideya, datos at impormasyon sa tekstong babasahin ng mga mambabasa.
Anim na hulwaran ng organisasyon ang isang teksto
Depinisyon, Pag-iisa-isa o Enumerasyon, Pagkakasunod-sunod, Paghahambing at Pagkokontrast, Problema at Solusyon, Sanhi at bunga.
Depinisyon- pagbibigay ng depinisyon o ng pagpapakahulugan sa isang bagay o salita.
Pag-iisa-isa o Enumerasyon- pag-aayos ng mga detalye at impormasyon ayon sa wasto at angkop na pagkakasunod- sunod mula simula hanggang sa huli.
Pagkakasunod-sunod pagkakaayos ng mga pangyayari na maaaring
nasa uring sekwensiyal, kronolohikal at prosidyural.
Paghahambing at Pagkokontrast- pagbibigay ng pagkakatulad at pagkakaiba.
Problema at Solusyon- mga pangkaraniwang suliranin na binibigyan ng karampatang solusyon o rekomendasyon na makalulutas sa suliranin.
Sanhi at bunga- pagsasaad ng dahilan at epekto kinalabasan ng mga pangyayari.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto: ang kasanayang ito ay makatutulong sa kritikal at malalim na pagsusuri sa kahulugan ng mga salita at ipinararating na mensahe ng mga babasahin.
Pagsusuri kungValid o Hindi ang Ideya o Pananaw: Ang pagsusuring ito ay isinasagawa upang matukoy ang mga ideya o pananaw na katanggap-tanggap o valid at hindi.
Ayon kay Rufino Alejandro, masusuri kung valid o hindi ang ideya.
Paliwanag- paglalahad ng mga paglilinaw at paglalahad ng kaugnayan ng mga bagay sa iba pang bagay o pananalita.
Paghahambing o pagtutulad- pagpapakita ng pagkakahawig o ng pagkakaiba
Paghahalimbawa- pagsasaad ng mga halimbawa na maaaring tularan o maging batayan
Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari- mga impormasyong nakabatay sa katotohanan.
Estadistika- mga datos na isinasaad ng numero na nakabatay sa pagsusuri o pag-aaral.
Ayon kay Rufino Alejandro, masusuri kung valid o hindi ang ideya sa pamamagitan ng sumusunod:?
Paliwanag,
Paghahambing o pagtutulad,
Paghahalimbawa,
Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari,
Estadistika.
Ang paghihinuha ay ang kakayahang maipaliwanag o mabigyang kahulugan ang pangyayari sa kuwento o teksto sa tulong ng mga pahiwatig.
Ang mga pahiwatig ang nagiging gabay ng mga mambabasa sa pagbibigay ng hinuha.
ang paghula naman ay ang pagsasagawa ng prediksyon sa ilang pangyayari o sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari sa kuwento o teksto.
Ang lagom ay ang pagbubuod ng isang akdang binasa batay sa pagkakaunawa sa pamamagitan ng pagpapaikli nito gamit ang sariling pananalita.
Ang konklusyon naman ay ang pagbibigay-diin sa kabuuang ideya o kaisipan na inilalahad o ipinararating ng teksto.
Pagbibigay Interpretasyon sa Mapa, Tsart Grap at Talahanayan
Ang mga mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga nakalarawang detalye ng mahahalagang impormasyon.