Tinungo ni Simoun ang ilalim ng Kubyerta na masikip sa pasahero
Natagpuan niya roon sina Isagani, Basilio at Kapitan Basilio
Pinag-uusapan nina Isagani, Basilio at Kapitan Basilio ang tungkol balak ng mga estudyante na Akademya ng Wikang Kastila
Sinabi ni Kapitan Basilio na hindi raw magtatagumpay ang plano ng kabataan hinggil sa Akademya
Lumapit si Simoun sa magkaibigang Isagani at Basilio
Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani
Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagkat ang lalawigang ito'y mahirap at hindi makabibili ng alahas
Tinutulan ni Isagani ang sinabi ni Simoun at aniya: hindi kami namimili ng alahas dahil hindi namin kailangan
Napangiti si Simoun at nasabi niyang naisip niyang dukha ang lalawigan dahil mga Pilipino ang mga pari roon
Inanyaya ni Simoun ang dalawa na uminom ng serbesa subalit tumanggi ang mga ito
Ayon kay Simoun, sinabi raw ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino'y palainom ng tubig imbes na serbesa
Tumugon si Basilio na: "Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip na serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan"
Dagdag ni Isagani: "at sabihin ninyo na ang tubig ay matamis at naiinom ngunit lumulunod sa alak at sa serbesa at pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan"
Tinanong ni Simoun si Isagani na kung sakaling tanungin siya ni Padre Camorra na kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ng tubig
Tugon ni Isagani: "Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak sa kailalimang hinuhukay ng tao"
Binanggit ni Basilio ang tula ni Isagani hinggil sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo ng makina (steamengine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil hahanapin pa ang makina
Isagani at Basilio naniniwalang maisasakatuparan ay representasyon ng kabataang Pilipino na agresibongmakamit ang mithiin sa buhay
Kapitan Basilio naniniwalang 'di-maisasakatuparan. Representasyon ng mga failure na dinanas ng matatanda
Pagsisiwalat ng kasalukuyang kalagayangpanlipunan
Tunggalian sa pagitan ng mayaman at mahirap, makapangyarihan at inaapi, malakas at mahina