FILFINALSM14

Cards (22)

  • Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang
    kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
    nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.
  • EKSPRESIB Personal na pagsulat upang
    maipahayag ang sarili
    Halimbawa: personal na liham, diary, personal na dyornal
  • FORMULARI – Isang mataas at istandardisadong
    pagsulat katulad ng kasulatan o kasunduan sa negosyo
    at iba pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya
    Halimbawa: kontrata sa negosyo/trabaho, mga
    memorandum order, subpoena, memorandum of agreement
  • IMAGINATIB – Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon
    ang mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa
    pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa
    Halimbawa: iskrip pampelikula/dula, nobela, maiikling
    kuwento
  • IMPORMATIB – upang magbigay ng mahahalagang
    impormasyon o ebidensya
    Halimbawa: pananaliksik, balita, talumpati para sa state of
    the nation address
  • PERSWEYSIB – Upang makapanghikayat,
    mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga
    ebidensya katibayang ipinahayag
    Halimbawa: talumpati ng politiko, mga printed na
    patalastas/advertisement, posisyong papel, editoryal
  • Pre-writing Ginagawa rito ang pagpili ng
    paksang isusulat at ang pangangalap ng mga
    datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
  • Pagsulat ng Draft– Dito isinasagawa ang
    aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang
    pagsulat ng burador o draft
  • Editing – pagwawasto sa nilalaman ng
    isinulat. Maaaring teknikal gaya ng paggamit
    ng bantas, baybay, formatting. Maaari din
    naman na pagwawasto ng impormasyon
  • Revising – muling pagsulat ng akda
    sang-ayon sa mga pagwawasto sa editing
  • Publishing – paglalathala ng pinal at
    pulidong sulatin, kung ito man ay isinumite sa
    isang publishing house, sa pahayagan, o
    maging sa simpleng pagpapasa ng isinulat sa
    guro
  • KAISAHAN – bawat pangungusap ay
    kailangang tumatalakay o may
    kinalaman sa pangunahing paksa.
  • KASAPATAN – may sapat
    na datos o detalye
  • PAGKAKAUGNAY-UGNAY
    – ang mga pangungusap ay kumokonekta sa
    bawat isang paraang lohikal.
  • KALINAWAN ang mga
    pangungusap ay malinaw , hindi magulo ang
    development at naiintindihan.
  • Akademik – Ito ay maaaring maging kritikal na
    sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong
    papel, term paper o pamanahong papel, thesis o
    disertasyon.
  • Teknikal Isang praktikal na komunikasyong
    ginagamit sa pangangalakal at ng mga
    propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal
    na impormasyon sa iba’t ibang uri ng
    mambabasa
  • Teknikal – Saklaw nito ang pagsulat ng
    feasibility study at ng mga korespondensyang
    pampangangalakal.
  • Referensyal – Naglalayong magrekomenda ng
    iba pang sanggunian o source hinggil sa isang
    paksa.
  • Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng
    balita, editorial, kolum, anunsyo at iba pang
    akdang karaniwang makikita sa mga
    pahayagan o magasin
  • Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o
    eksklusib sa isang tiyak na propesyon
    Halimbawa: police report, investigative report,
    lesson plan, legal forms
  • Malikhain – Masining na uri ng pagsulat sa
    larangan ng panitikan o literature
    Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
    Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng
    manunulat at pukawin ang damdamin ng mga
    mambabasa.
    • Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula,
    nobela, maikling katha, dula at sanaysay.