Paksa ang sentro o pangunahing tema o pokus sa pagpapalawak ng ideya
Layunin ang nais na maipabatid o iparating ng manunulat sa mambabasa
Damdamin ang resulta ng saloobin ng mambabasa sa binasang teksto
Tono ang saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinalakay
Pananaw ang tumutukoy sa puntodevista ng awtor
Ako, ko, akin, ay halimbawa ng unang panauhan
Ikaw, kayo, ninyo, ay halimbawa ng ikalawang panauhan
Siya, niya, kaniya, ay halimbawa ng ikatlong panauhan
Paraan ng pagkakasulat ang tawag kapag ito ay madaling maintindihan ng mambabasa o hindi
Ang mga uri ng teksto ay deskriptibo, persuweysib, naratibo, argumentatibo, at impormatibo
Ang dyaryo o pahayagan ay isa sa halimbawa ng printmedia o popular na babasahin na kailan ma'y hindi mamamatay dahil bahagi na ng kulturang Pilipino
May dalawang anyo ang dyaryo/pahayagan, ito ay ang tabloid at broadsheet
Tinuturing na pangmasa ang tabloid dahil bukod sa nakasulat ito sa Tagalog o Filipino ay abot-kaya pa ang presyo
Iba’t iba ang dahilan kung bakit nagbabasa ng pahayagan ang mga tao gaya ng paghahanap ng trabaho, pagbasa ng balita o hindi kaya’y magsagot ng palaisipan bilang bahagi ng
paglilibang.
Ang Komiks ay isang makulay at popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa mambabasa, nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman, at nagsusulong ng kulturang Pilipino
Sina Darna, Valentina, Captain Barbel, Lastikman at Zuma ay ilan sa mga sikat na karakter sa Pilipinokomiks
Liwayway ang kauna-unahang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maiklingkuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Ang dagli ay hindi aabot ang haba sa isang maikling kuwento.
Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang tono, damdamin, pananaw at layunin ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda.
Candy, Cosmopolitan, men's health at good housekeeping ay ilang halimbawa ng uri ng magasin
Ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkolsaan ang binasa
Ang layunin ay sumasagot sa tanong na bakit sinulat ang teksto
Pinaikling bersiyon ng advertisements o patalastas ang tawag sa ad
Ang Lathalain ay feature sa ingles
Flag ang Nakalimbag na pamagat (pangalan at logo) ng isang pahayagan
Cover ang pabalat ng magasin o pahayagan
Headlines ang Pamagat ng isang balita na makikilala sa pamamagitan na higit na malaking titik sa nilalaman
Classified ads ang seksiyon sa pahayagan para sa mga naghahanap ng trabaho
Sudoku ay isang uri ng larong puzzle na karaniwang makikita sa pahayagan
Press ang Makina na naglilimbag ng pahayagan
Barcode ang nagsasabi ng presyo st pangkalahatang kalidad ng magasin