tekstong impormatibo

Cards (10)

  • Ang mga hakbang sa pagbabantay ay nakatuon sa pagsusuri sa bawat access upang tiyakin ang awtorisasyong ginagamit at tinutupad ang mga pinapatakaran sa seguridad.
  • Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. to ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
  • mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba't ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang
  • ➤ Layunin ng may-akda Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga
  • Pangunahing Ideya- ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng ideya ng babasahin.
  • Pantulong na Kaisipan- ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa
  • Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon - Halimbawa: Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo
  • Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan.
    Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoonga pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan.
  • Pag-uulat pang-impormasyon.
    Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad nang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
  • Pagpapaliwanag
    ito ay isang uri ng tekstong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit nangyari ang isang bagay o pangyayari.