MAKROEKONOMIKS - nakatuon sa pag-aaral ng kabuuan ng pang-ekonomikong kalagayan ng buong lipunan at sinusuri ang malawakang kaganapang pang-ekonomiko
Binibigyang pansin nito ang kabuuang antas ng presyo.
Binibigyang-pansin ang kabuuang produksiyon o ang bilang ng kalakal at paglilingkod na nagawa ng ekonomiya.
Binibigyang-pansin ang empleyo o paghahanap-buhay
Binibigyang-pansin ang ibang bahagi ng mundo at ang ugnayan nito sa panloob na ekonomiya.
Unang Modelo - ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa dahil ang gumagawa ng produkto ay siya ring nagkokonsumo nito.
Ikalawang Modelo - Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang sambahayan ang pinagmumulan ng salik ng produksiyon at bahay-kalakal anglumilikha ng produkto at serbisyo.
Savings o Pagiimpok - pagpapaliban ng gastos.
Investment o Pamumuhunan - bagay na iginastos sa pagnanais na ito’y magbunga ng mga benepisyo sa loob ng isang nakatakdang oras sa hinaharap.
Ikaapat na Modelo - makikita ang presensiya ng pamahalaan na lumalahok sa sistema ng pamilihan na nangongolekta ng buwis.
Ikalimang Modelo - inatawag na open economy dahil sa presensiya ng panlabas na sektor na nangangasiwa ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo sa dayuhang ekonomiya.