DAGLI AT TEXTULA

Cards (20)

  • Ano ang dagli o flash fiction?
    • Anyong pampanitikan na mas maikli kaysa sa karaniwang maikling kwento, ngunit taglay ang mga elemento tulad ng tauhan, tagpuan, at banghay.
  • Kailan umusbong ang dagli bilang babasahin?
    • Noong pananakop ng Amerika sa unang bahagi ng dekada ika-20, sumigla muli sa huling dekada, at buhay na buhay ngayon dahil sa pagiging maikli at hindi nakababagot.
  • Ano ang sinabi ni Rolando Tolentino (2009) tungkol sa kalakaran ng dagli noong 1900s?
    • Unang lumaganap sa unang dekada ng 1900, pumapaksa sa romantikong pag-aalay sa mga babae at naging daluyan ng makabayan at anti-kolonyal na kaisipan.
  • Bakit muling naging malaganap ang dagli sa kontemporanyong panahon?
    • Kasabay ng mabilis na modernidad at nagdudumaling mobilisasyon ng mga tao, umunlad ito noong ika-20 siglo sa pananakop ng Estados Unidos.
  • Ano ang mga paksang tinatalakay ng dagli?
    • Pag-ibig, kalayaan, nasyonalismo, at mga usaping panlipunan, sa istilong piksyon na napakaikli.
  • Ano ang tatlong matingkad na elemento ng dagli ayon sa pagsusuri ng antolohiya?
    1. Bilis
    2. Krisis3. Kabig
  • Ano ang katangian ng “Bilis” sa pagsulat ng dagli?
    • Mabilis, maikli, at limitado sa hindi lalampas sa 1000 salita, na may sapat na ekonomiya ng salita.
  • Ano ang ibig sabihin ng “Krisis” sa dagli?
    • Matingkad na isyu o problemang nais lutasin sa limitadong bilang ng tauhan, panahon, at lunan.
  • Ano ang “Kabig” sa isang dagli?
    • Bigwas bilang resolusyon sa dulo ng akda.
  • Bukod sa kwento, ano pa ang maaaring anyo ng dagli?
    • Maaaring sanaysay o kombinasyon ng iba pang genre ng panitikan.
  • Ano ang ipinapanukalang isaalang-alang sa pagsusuri at pagsulat ng dagli?
    • Mahusay na paggamit ng bilis, krisis, at kabig, at madulas na pagsasanib ng mga ito para sa kongkretong bisa sa mambabasa.
  • Ano ang mga paalala sa pagsulat ng dagli?
    1. Walang puwang ang mabulaklak na paglalarawan
    2. Gumagamit ng pandiwa3. Iwasang gumamit ng pangawing na “ay”
  • Ano ang textula?
    • Maikling tula na ipinapadala sa SMS o mobile, na nagbubuhay sa tradisyunal na pagtutula tulad ng Tanaga, Dalit, Diona, at malayang taludturan, na pumapaksa sa iba’t ibang isyu.
  • Ano ang maaaring paksain ng textula?
    • Iba’t ibang isyung panlipunan, indibidwal, at kolektibong kalagayan, na madaling maibabahagi sa makabuluhan at malikhaing paraan.
  • Ano ang impluwensiya ng limitadong espasyo ng cellphone sa textula?
    • Nagdudulot ng ekonomiya ng salita, kung saan malinaw at kongkretong naipapahayag ang mensahe sa ilang taludtod lamang.
  • Ano ang mga uri ng textula?
    1. Textanaga2. Dalitext3. Haiku4. Dionatext
  • Ano ang katangian ng Textanaga?
    • Apat na taludtod, pipituhing pantig, at may tugmang magkakatulad ang tunog sa huling pantig.
  • Ano ang katangian ng Dalitext?
    • Apat na taludtod, wawaluhing pantig sa bawat taludtod, na may tugma.
  • Ano ang katangian ng Haiku sa textula?
    • May 5-7-5 na pantigan, maaaring may tugma o wala.
  • Ano ang katangian ng Dionatext?
    • Tatluhang taludtod, pipituhing pantig, at may isahang tugmaan.