Sosyolohiya - Agham na tumatalakay sa pag-aaral ng lipunan, mga institusyon, at ugnayan ng tao sa kapwa upang maunawaan ang kilos, kultura, at pagbabago sa lipunan.
Arkeolohiya -Agham na sumusuri sa mga labi o relikya ng sinaunang tao tulad ng kasangkapan, gusali, at buto upang mabigyang-linaw ang pamumuhay noon.
Heograpiya - Pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo tulad ng anyong lupa, tubig, klima, at ang ugnayan nito sa buhay at gawain ng tao.
Agham Pampulitika - Tumatalakay sa mga sistema ng pamahalaan, politika, kapangyarihan, at mga batas na nagpapalakad sa isang lipunan o bansa.
Antropolohiya - Agham na nag-aaral sa pinagmulan, pag-unlad, at kultura ng tao mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Linggwistika - Agham ng wika, na tumatalakay sa istruktura, kasaysayan, pag-unlad, at gamit ng iba't ibang wika sa komunikasyon ng tao.
Sikolohiya - Pag-aaral sa asal, kaisipan, at damdamin ng tao, at kung paano ito naaapektuhan ng kapaligiran at karanasan.
Ekonomiks - Agham panlipunan na tumatalakay sa pamamahala ng yaman, produksyon, at pagkonsumo upang matugunan ang pangangailangan ng tao.
Kartograpiya - Sangay ng heograpiya na tumatalakay sa paglikha ng mga mapa upang maipakita ang pisikal na kaanyuan ng isang lugar.