Cards (15)

  • Ang anekdota ay isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao
  • Layon ng anekdota na makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral
  • Ang anekdota ay dapat na makatotohanan para maiparating ang layunin nito
  • Isang malikhaing akda ang anekdota
  • Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
  • Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.
  • Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik.
  • Si Nassreddin Hodja ay isang pilosopo noong bandang ika-13 siglo
  • Pinaniniwalaan na ang kanyang sinilangang bayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng Turkey
  • Kilala si Nassreddin dahil sa kanyang mga nakatutuwang kuwento at anekdota
  • Sinasabing siya’y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi rin siyang pinagbibiruan
  • Ang "Mullah" ay isang titulo na ibinibigay sa matatalinong Muslim
  • Halos lahat ng mga Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni Nassreddin
  • Kahit ang mga di-Muslim sa Tsina ay alam din ang mga anekdota niya
  • Sa wikang Tsino, ang pangalan ni Mullah Nassreddin ay "Afanti"