Pagsasalin - paglilipat o pagtutumbas ng kahulugan mula sa isang wika patungo sa iba pang wika
Tagapagsalin - kailangang matatas sa dalawang wika
Simulaang Lengguwahe (SL) - wikang isasalin
Tunguhang Lengguwahe (TL) - wikang pagsasalinan
Imitasyon - layuning magkaroon ng matapat na pagkakatulad ang orihinal na teksto sa isasaling teksto sa aspektoo ng anyo at himig
Reproduksiyon - nagsasaalang-alang sa mambabasa upang mahulma ang orihinal na teksto sa wikang nauunawaan ng target na mambabasa
Literal na Pagsasalin - direktang pagtutumbas at higit na pinahahalagahan ang gramatika at semantika
Konseptuwal na Pagsasalin - hindi direktang pagsasalin at pinahahalagahan ang kahulugan o diwa ng teksto kaysa sa gramatika nito
Kultural na Pagsasalin - pag-aangkop ng kultura ng TL sa kultura ng SL at isinaalang-alang ang mga gawi, tradisyonn, kasaysayan, paniniwala, relihiyon, paraan ng pamumuhay, at iba pang aspekto ng kultura.