Yunit 1 - Filipino Bilang Wika at Larangan

Cards (39)

  • kailan ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa?
    Disyembre 30, 1937
  • Ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikan Pambansa sa ilalim ng Saligang Batas ng ____
    Saligang Batas ng 1935
  • Kailan ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng paaralan sa buong bansa?
    1940
  • Kailan nagkaroon ng bisa ang Batas Komonwelt Blg. 570: Wikang Pambansang Pilipino?
    Hunyo 4, 1946
  • Sa ilalim ng _______________, nagkaroon ng bisa ang pagtatalaga ng Pilipino bilang Wikang Pambansa
    Batas Komonwelt Blg. 570
  • Kailan ipinatupad ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Jose B. Romero?
    1959
  • Sino ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na nagbaba ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7?
    Jose B. Romero
  • Ano ang batas na isinulat ni Jose B. Romero noong 1959?

    Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
  • Kailan idineklara na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino?
    1987
  • Bakit ibinaba ni kalihim Jose B. Romero ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong 1959?

    Upang mailagan ang mahabang katawagang "Wikang Pambansang Pilipino" o "Wikang Batay sa Tagalog"
  • T/M: Noong 1987, alinsunod sa Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino, hindi batay sa pinaghalo-halong sangkap ng katutubong wika na umiiral sa bansa bagkus ito ay nucleus ng Pilipino at Tagalog.
    TAMA
  • Noong 1987, ang wikang pambansa ay tatawaging Filipino dahil __________

    ito ay nucleus ng Pilipino at Tagalog
  • Aling artikulo sa Konstitusyong 1987 ang nagsasaad ng mga legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang Pambansa at wika ng opisyal na komunikasyon?
    Artikulo XIV
    • Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
    • Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
    • Dapat magsagawa ang pamahalaan ng mga hakbangin upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang edukasyon.
    Artikulo 14 Seksyon 6
    • Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga't walang ibng itinadhana ang batas, Ingles.
    • Ang wikang panrehiyon ay pangtulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pangtulong na mga panturo roon.
    • Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Espanyol at Arabic
    Artikulo 14 Seksyon 7
    • Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili
    Artikulo 14 Seksyon 9
  • Katagang binaggit ni Manuel L. Quezon sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
    "Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika."
  • Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Inggles, at dapat na isinalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
    Artikulo 14 Seksiyon 8
  • Pamagat ng isinulat ni Atienza (1994) kung saan tinalakay ang praktikal na kahalagahan ng Wikang Pambansa sa isang bansang gaya ng Pilipinas na dati'y kolonya laban sa dominasyon ng wikang banyaga gaya ng Ingles
    Drafting the 1987 Constitution The Politics of Language
  • Sino ang nagsulat ng "Drafting the 1987 Constitution The Politics of Language"
    Atienza (1994)
  • T/M: Ang paggamit ng mga wikang dayuhan, lalo na ang Ingles, ay nabubunsod ng mabagal na pag-unlad (underdevelopment) hindi lamang ng mga wika sa Pilipinas kundi maging ang mabagal na pag-unlad ng pambansang kultural at identidad.
    TAMA
  • T/M: Ang Ingles ay hindi naging hadlang na naghihiwalay sa mga edukadong Pilipino at masang Pilipino
    MALI
  • T/M: Ang mga wika sa Pilipinas ay mula sa iisang pamilya ng wika; kaya't posibleng makabuo ng isang wikang pambansa mula sa mga wikang ito.

    TAMA
  • T/M: Ang wikang pambansa ay kahingian sa pagkikintal ng nasyonalismo at pagtataguyod ng demokrasya at ng partisipasyon ng sambayanan sa proseso ng pagbubuo at pagpapaunlad ng bansa.
    TAMA
  • Sino ang nagsabi ng "Ang wikang pambansa ang wikang higit na makakapagbigay-tinig at kapangyarihan sa mga taga-walis, drayber, tindero at tindera, at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa intelektwal at masa."
    Gimenez Maceda, 1997
  • Binigyang-diin ni _______ na "Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng mga tunay na Pilipino."
    Constantino, 2015
  • Sino ang propesor ng Filipino mula sa UP na nagsabing "Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa Pilipinas, sa kaayusan at sa pag-unlad ng lipunan."

    Dr. Pamela Constantino
  • Ano ang sinabi ni Dr. Pamela Constantino?
    "Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa Pilipinas, sa kaayusan at sa pag-unlad ng lipunan."
  • Sino ang nagsabi ng "Imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at pusong makabayan. May tungkulin ang bawat isa na palaganapin ang isang kulturang may malalim na pagkakaintindihan sa isa't isa gamit ang isang wikang pinagbubuklog at pinagtitibay ng buong bansa."
    Pangulong Aquino
  • Pamagat ng Artikulo ni Vitangcol III
    "Ano ang Saysay ng Wikang Filipino"
  • Sino ang nagsulat ng artikulong "Ano ang Saysay ng Wikang Filipino"?
    Vitangcol III (2019)
  • Sino ang nagsabi ng "Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo ay yumayabong at nakatutulong sa katutubong isip."
    Constantino, 2015
  • Sino ang nagtalaga ng 5 hakbang na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino?
    San Juan
  • Ibigay ang 5 hakbang na dapat isakatuparan sa ikauunalad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino
    Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba.
    Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nil ang Netherlands at diva-portal.org ng Sweden.
    Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mass translation projects.
    Bigyang prayoridad ng Filipinasyon ang lalong mataas na edukasyon at ng mga programang gradwado.
    Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Department of Filipino o Araling Pilipinas.
  • Ano ang 2 antas ng pagpaplanong pang-wika?
    Makro
    Maykro
  • Nagbibigay ng pansin sa mga tiyak na gamit mula sa wika ng pagkatuto sa mga akademikong gawain at intelektwalisasyon.

    Istatus ng pagpaplanong pangwika
  • Nakatuon sa pagbubuo/pagbabagp/pamimili ng mga porma o kowd na ginagamit sa pagpapahayag na oral o nakasulat.
    Korpus na nagpaplanong pangwika
  • Pinagtutuunan naman ng pansin ang pagpapalaganap ng wika at epekto sa gumagamit ng wika.
    Akwisisyong pangwika
  • 4 na facets ng sistema ng paglinang ng wika ayon kina Haugen at Ferguson
    Kodipikasyon, Istandardisasyon, Diseminasyon, Elaborasyon