Tekstong Impormatibo at Naratibo

Cards (44)

  • Tekstong impormatibo ay base sa makatotohanang datos
  • Tekstong impormatibo ay babasahin 'di piksyon
  • Sinasagot ang mga tanong na ano, kailan, saan, bakit at paano
  • Tekstong impormatibo ay nag bibigay impormasyon at pagpapaliwanag tungkol sa paksa
  • Tekstong impormatibo ay madalas makita sa balita, encyclopedia, mga websites at iba pa.
  • Paglalahad ng kasaysayan - Naglalahad ng totoong pangyayari na maaaring nasaksihan ng manunulat o kaya'y nakasulat sa isang historical account
  • Paglalahad ng sanhi at bunga - Ipinapaliwanag ang relasyon ng dalawang bagay at kung ano ang sanhi at ang bunga sa isang pangyayari
  • Paghahambing at pagkokontrast - Nagpapakita ng pagkakaparehas at pagkakaiba ng konsepto, pangyayari at iba pang bagay
  • Tekstong Naratibo ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring naganap sa tauhan ng isang kwento
  • Tekstong Naratibo ay may pagkakasunod sunod ng mga pangyayari
  • Point of view o punto de vista
  • Pangatlong panauhan - isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya't gumagamit ng pang halip na “siya”.
  • Pangalawang panauhan - mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhan nya sa kwento kaya't gumagamit ng panghalip na “ka at ikaw”
  • Unang panauhan - pagsasalaysay ng tao ng kanyang sariling karanasan sa paggamit ng pang halip na “ako"
  • Maladiyos na panauhan - nailalahad ang isip at damdamin ng bawat tauhan sa kwento
  • Limitadong panauhan - nababatid ang isip at kilos ng isang tauhan lamang sa kwento
  • Tagapag obserbang panauhan - inilalahad lamang ang mga kilos at sinasabi ng tauhan sapagkat hindi nito napapasok ang isip nito
  • Kombinasyong pananaw - marami ang tauhan at mahaba ang panahon kaya't hindi lang isa ang tagapagsalaysay sa kwento
  • Tuwirang pagpapahayag - tuwirang pagpapahayag ng dayalogo, saloobin at damdamin sa pag gamit ng panipi
  • Di-tuwirang pagpapahayag - ang tagapagsalaysay ang naghahayag ng dayalog, saloobin at damdamin ng tauhan
  • Paraan ng pagpapahayag ng dayalogo, saloobin at damdamin: tuwirang pagpapahayag at 'di tuwirang pagpapahayag
  • Mga element o bahagi ng kwento: tauhan, tagpuan at panahon, tunggalian, banghay at tema o paksa
  • Protagonista o pangunahing tauhan - bida at ang pinakamahalagang tauhan sa kwento. Sakanya umiikot ito.
  • Kasamang tauhan - kasangga ng bida
  • Antagonista o katunggaling tauhan - kontrabida at kaaway sa kwento
  • Tauhang bilog (round charactwr) - nagbabago ang kaniyang personalidad sa takbo ng kwento
  • Tauhan lapad (flat character) - iisang personalidad lamang sa buong kwento
  • Tagpuan at panahon - kung saan nangyari ang kwento at kung anong damdamin ang umiral sa kapaligiran. 
  • Banghay - daloy at pagkakasunod sunod ng mga pangyayari
  • Panimula - simula, pagpapakilala sa tauhan
  • Suliranin - pagpapakilala ng suliranin
  • Saglit ng pasiglahan (rising action) - pagpapakita ng aksyon tungo sa paglutas ng problema
  • Kasukdulan (climax) - pinakamataas na parte ng kwento, pag harap ng bida at kontrabida
  • Kakalasan (falling action) - ng problema
  • Wakas - kinahinatnan ng mga tauhan
  • Anachrony na banghay - Pagsasalaysay ng kwento na hindi nakaayos sa tamang pangayayari sa kwento
  • Analepsis (flashback) - pinapasok ang mga nakalipas na pangyayari
  • Prolepsis (flash-forward) - pinapasok ang mga pangyayaring magaganap palang sa kasalukuyan
  • Ellipse - may puwang o may inalis na parte sa kwento
  • Linyar - pagsasalaysay ng kwento sa tamang ayos ng pangyayari. Tinatawag ding kronolohika na ayos