Batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, sa antas tersiyarya, gagamitin ang _____ bilang wikang panturo sa mga kurso sa agham, matematika at teknolohiya, samantalang _____ naman sa mga kursong agham panlipunan at humanidades
Ingles; Filipino
Bakit maraming kolehiyo at unibersidad ang hindi sumunod sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal?
Dahil hindi naging mahigpit ang implementasyon nito sa lahat ng paaralan
Ano ang nakatalaga sa Probisyon ng Patakaran ng Bilinggwal?
Dapat gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang humanidades at agham panlipunan
Sino ang nagsabi na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko.
San Juan et. al.
T/M: Higit na nauna ang larangan ng agham panlipunan kaysa sa Humanidades
MALI. Nauna ang Humanidades kaysa sa agham panlipunan at marami sa teoretiko at pilosopikong pundasyon ng agham panlipunan ay galing sa Humanidades
Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga terminong ginagamit na tinatawag na _______
register
pangunahing layunin ng Humanidades
"hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao"
Ang layunin ng Humanidades na sinusugan ni J. Irwin Miller
"Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito"
Sino ang nagsabi na "Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito"?
J. Irwin Miller
Sino ang nagsabi na "Sana'y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang HUmanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at 'di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap"?
Newton Lee
Ano ang sinabi ni Newton Lee tungkol sa layon ng Humanidades?
"Sana'y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at 'di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap"
Ang Humanidades ay binubuo ng mga larangang ______
Panitikan, Pilosopiya, Sining, Industriya, Malayang Sining
Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolatisismo sa panahon ng mga ______ at ______.
Griyego at Romano
Ano ang 3 lapit o estratehiyang ginagamit sa Humanidades upang mabigyan ng pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang sistematiko at organisado
Analitikal na lapit
Kritikal na lapit
Ispekulatibong lapit
Ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa't isa
Analiktikal na lapit
Ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya
Kritikal na lapit
Kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat
Ispekulatibong lapit
3 anyo sa pagsulat sa larangan ng Humanidades
Impormasyonal
Imahinatibo
Pangungumbinse
3 uri ng Impormasyonal na anyo ng pagsulat
Paktwal ang mga impormasyon
Paglalarawan
Proseso
Bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan atbp
Paktwal ang mga impormasyon
Nagbibigay ng detalye, mga imahe na denetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagwa sa mga akdang pampanitikan gaya ng krisismo, tula, kwento, nobela, atbp
Paglalarawan
Binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging resulta na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika
Proseso
Binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri nito
Imahinatibo
Pagganyak upang mapaniwala o di mapaniwala ang bumabasa, nakikinig, at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya't ang mahalagang opinyon ay kaakibat ng ebidesnya at katuwiran o argumento
Pangungumbinse
Ito ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan. Tulad ng HUmanidades, tao at kultura ang sakop nito subalit itinuturing itong isang uri ng siyensiya o agham.
Agham Panlipunan
Pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan
Sosyolohiya
Pag-aaral ng mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao
Sikolohiya
Pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito
Lingguwistika
Pag-aaral ng mga tao sa iba't ibang panahon ng pag-iral
Antropolohiya
Pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan
Kasaysayan
Pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo
Heograpiya
Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran
Agham Pampolitika
Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa
Ekonomiks
Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpiyang lugar
Area Studies
Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument
Arkeolohiya
Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan
Relihiyon
Ano ang pinagkaiba ng mga sulatin sa Agham Panlipunan at HUmanidades?
Agham Panlipunan - madalas ay di-piksyon at mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis
Mga karaniwang anyo ng sulatin sa Agham Panlipunan ang _____
report, sanaysay, papel pananaliksik, abstrak, artikulo, rebyu ng libro o artikulo, niyograpiya, balita, editoryal, talumpati, adbertisment
May sinusunod na ______ ang pagsulat sa Agham Panlipunan