Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man.