•Ang impormasyon ay naluluman, puwedeng mali o tama at maaaring mamanipula. Gayunpaman, kung may kakayahan at kasaanayang gawin ang iba't- ibang proseso ng pag-iisip, lumilikha ito ng bagong mga kaalaman, nasusuri at napag-iiba ang tama sa mali, katotohanan at opinyon, at natitiyak kung anong impormasyon ang dapat pagtiwalaan.