Ang Repormasyon ay mga kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon
Nagdulot ito ng pagkakahati ng simbahang Kristiyano
Nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano
Ang mga Katoliko Romano ay nagsimulang magbago sa kanilang relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina
Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik
Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg
Nagsimulang magduda sa kaibahan ng katuruan ng simbahan at ng Bibliya tungkol sakaligtasan
Napag-alaman ni Luther ang kasuklam-suklam na gawain ng simbahan, tulad ng pagbenta ng indulhensiya
Ipaskil ni Luther ang kaniyang "Siyamnapu't limang Proposisyon" noong ika-31 ng Oktubre, 1517
Pagwawakas ng Digmaan saRepormasyon
Nagbigay ng protesta ang mga sumusuportang estado at bayan Aleman sa emperador ng Banal na Imperyong Romano
Ang panrelihiyong digmaan ay tinapos ni Charles V sa pamamagitan ng "Kapayapaang Augsburg" noong 1555
Kilalanin sa kasunduan ang kapangyarihan ng mga hari o namumuno na malayang pumili ng relihiyon ang kanilang nasasakupan
Ang mga pagbabagong isinagawa ni Papa Gregory VII sa simbahan:
Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang sarili sa buong paglilingkod sa Diyos
Pag-aalis ng simony
Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno
Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isinagawa ang Catholic Reformation o Counter-Reformation
Sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko
Isinagawa ng Konseho ng Trent, Inquisition, at ng mga Samahan ng mga Heswita (Society of Jesus)
Ang mga Heswita:
Nagtagumpay sa pagbawi sa Bohemia, Hungary, Poland at Timog Germany para sa Simbahang Katoliko
Naging makapangyarihang lakas ng Katolisismo sa kanlurang Europe
Nagtatag ng mga paaralan at naging dalubhasa bilang mga guro
Nagkaroon ng malaking kaugnayan sa politika ng Europe
Naging tagapayo at katapatang-loob ng mga hari at reyna ng mga kahariang Katoliko
Nagtamo ng matataas na karangalan bilang mga iskolar at mga siyentista
Malaki ang pagbabago sa Simbahang Katoliko mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon
Maraming mga gawi at turo ng simbahan ang tinuligsa ng mga Repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng simbahan
Si Martin Luther ay tanyag bilang "Ama ng Himagsikang Protestante" na namuno sa paglaban sa mga depekto ng simbahan
Layunin ng mga Repormista na maging bukas ang simbahan sa mga pagbabago o reporma, hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko
Ang iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng mga sumusunod na epekto:
Nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante samantalang ang timog ay nanatiling Katoliko
Marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba
Gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko
Ilan sa mga repormang ginawa ng Simbahang Katoliko ay ang pagpapawalang bisang seremonya sa pagbenta at pagbili ng mga opisyo ng Simbahan, at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa simbahan
Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon