Ang mga pangyayari sa panahon ng Renaissance ay nagbigay-daan sa pagyaman ng kaalaman, pananaliksik, rebolusyon ng intelektwal, at malawak na kaalaman sa daigdig
Ang Renaissance ay nagsimula mula sa salitang Pranses na nangangahulugang "muling pagsilang" o rebirth, muling pagkamulat, muling pagkabuhay at pagpapanibago o revival
Itinuturing ng mga Italyano na may kaugnayan sila sa mga Romano kaysa sa ibang bansa sa Europa
May magandang lokasyon ang Italya para sa pagkakataon ng mga lungsod na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa
Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral
Mahalaga ang papel ng mga unibersidad ng Italya sa pagtataguyod at pananatiling buhay ng kulturang klasikal at mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano