Ang _____ ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong SALITA, SIMBOLO, at ILUSTRASYON ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco et al., 1998).
BAGO SUMULAT
- Nagaganap dito ang paghahanda sa pagsulat tulad ng PAGPILI NG PAKSA at PANGANGALAP NG DATOS
AKTUWAL NA PAGSULAT
- Isinasagawa dito ang aktuwal na pagsulat kabilang na ang pagsulat ng BURADOR o DRAFT.
MULING PAGSULAT
- Nagaganap dito ang pag-eedit at pagrerebisa ng burador batay sa wastong gamit ng mga SALITA, TALASALITAAN at PAGKAKASUNODSUNOD NG MGA IDEYA.
Akademikong Pagsulat
Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na maaaring magamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Akademikong Pagsulat
Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon.
Akademikong Pagsulat
Ito’y isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral at itinatakdang gawaing pasulat sa isang tagpuang akademiko.
Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring EKSPOSITORI o ARGUMENTATIBO na ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.
Akademikong Pagsulat
Isinasagawa ito upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.
Ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal, at obhetibo na itinatakda sa isang tagpuang akademiko.
Tatlong Kalikasan ng Akademikong Pagsulat:
katotohanan
ebidensya
balanse
KATOTOHANAN.
Ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.
EBIDENSIYA.
Ang manunulat ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensiya upang suportahan ang katotohang kanilang inilahad.
BALANSE.
Ang manunulat ay gumagamit ng wikang walang pagkiling, seryoso, at hindi emosyonal sa paglalahad ng mga makatuwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.