Noong Agosto 6, 1887, bumalik si Dr. Jose Rizal sa Pilipinas matapos ang ilang taon sa Europa
Matapos ang isang buwan, nagpadala ng sulat si dating Gobernador-Heneral Emilio Terrero kay Dr. Jose Rizal upang magtungo sa Malacanang dahil sa kaguluhan na idinulot ng kaniyang nobela
Sa Pebrero 1888, umalis si Dr. Jose Rizal ng bansa at nagtungo sa Hongkong, Japan, at Amerika
Sa Mayo 1888, nagtungo siya sa London kung saan nalaman niya ang mga balita tulad ng pagpapatapon sa kaniyang bayaw at pagkakadakip sa isang mag-aaral dahil sa pagtatago ng aklat na Noli Me Tangere
Patuloy na suliranin sa usapin ng lupa sa Calamba kasama ang kaniyang pamilyang inuusig ng pamahalaang Espanya
Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal inilantad ang mga posibilidad ng rebelyon at rebolusyon
Inihandog ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo sa Gomburza bilang pagkilala sa kadakilaan ng tatlong martir na pari
Umalis si Dr. Jose Rizal ng Brussels noong Hulyo 5, 1891 at nagpunta sa Ghent upang doon magpalimbag
Natapos ilimbag ang El Filibusterismo noong Setyembre 18, 1891
Marso 29, 1891, pinadalhan ni Dr. Jose Rizal ng kopya ang kaibigang si Jose Ma. Basa, Sixto Lopez, Blumentritt, at Mariano Ponce
Pinuri ng mga Filipino sa Barcelona ang nobelang ito ni Rizal sa pamamagitan ng paglalathala nito sa La Publicidad
Ang Batas Republika 1425 o mas kilala bilang "Batas Rizal o Rizal Law" ay pinangunahan ni Sen. Jose P. Laurel