SOGIE

Cards (32)

  • Ang kahulugan ng SOGIE ay; Sexual Orientation, Gender Identity and Expression
  • Ang Sexual Orientation ay nakabase sa atraksyon ng isang tao, maaari rin itong tukuyin sa kung ano ang kasarian na gustong makatalik ng isang tao
  • Ang Gender Expression ay ang paraan ng pagpapatunay ng gender identity at orientation ng isang tao sa pamamagitan ng panlipunang aktibidad, mag-aral, magturo, manghuhula, magbago ng katawan, gamit ng damit, at iba pa.
  • Ang Gender Identity ay ang pagkakaiba o pagsusuri ng sarili sa kanilang kabalagaran bilang lalaki o babae.
  • Ang Gender Identity ay ang sariling panloob na pagkilala ng isang tao sa kaniyang sarili
  • Ang Sexual Orientation ay nahahati sa dalawang kategorya; Heterosexual at Homosexual
  • Ang Homosexuality ay tumutukoy sa pagkakaroon ng atraksyon sa parehong kasarian
  • Ang Heterosexuality ay ang pagkakaroon ng atraksyon sa ibang kasarian o Cisgender
  • Ang Lesbian ay isang babaeng nagkakagusto sa kapwa babae; Ang Gay ay lalaking nagkakagusto sa kapwa lalaki
  • Ang Transgender ay ang paniniwala na nakakulong ka sa maling katawan ; lalaki ka ngunit sa tingin mo ay babae ka ngunit napunta ka sa ibang katawan and vice versa
  • Ang Bisexual ay nagkakagusto sa babae at lalaki
  • Ang Pansexual ay nagkakagusto sa lahat ng kasarian
  • Ang Asexual ay walang nararamdaman na atraksyon
  • Ang Queer ay hindi tinutukoy ang sarili bilang babae o lalaki
  • Sa ika-16 hanggang ika-17 siglo, mababanggit ang mga babaylan sa Pilipinas
  • Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon, maihahalintulad sa sinaunang priestess at shaman
  • Mayroon ding lalaking babaylan, tulad ng mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo
  • Ang mga lalaking babaylan ay hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin ay pakinggan ng mga espiritu
  • Ilan sa mga babaylan ay kasal sa lalaki at may relasyong seksuwal
  • Sa panahon ng mga Espanyol, ang mga babaylan ay kinatatakutan dahil sa kanilang makapangyarihang posisyon
  • Ilan sa mga babaylan ay nagiba ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
  • Umuusbong ang Philippine gay culture at nagsimula ang mga pagsulat tungkol sa homoseksuwalidad
  • Maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad
  • Nagsimula ang pagusbong ng mga bisexual, transgender, na naghahanap din ng pagkakakilanlan sa komunidad
  • Ang salitang gay at lesbian ay lumabas para magkaroon ng isa pang pagkakakilanlan
  • Huling bahagi ng dekada 80 at Unang bahagi ng dekada 90
  • Maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT
  • Naitatag ang Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community noong 1993
  • Naitatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan noong 1992
  • Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto ang political na partido na Ang Ladlad
  • Noong 2004, ginanap ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March sa Maynila
  • Ang Gay Pride March ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT