Pagbasa at Pagsuri

Cards (20)

  • Ang pagbasa ay isang uri ng kategoryang pakikipagtalastasan ng awtor sa kanyang mga mambabasa
  • Tatlong mahahalagang sangkap ng pagbasa: Aklat o Anumang basahin na nag sisilbing tsanel at midyum, Ang awtor na sumulat ng akdang babasahin, ang indibidwal na babasa ng kanyang mga isinulat
  • Apat na proseso ng pagbasa: Persepsiyon, Pag-unawa, Reaksiyon, at Integrasyon
  • Persepsiyon sa mga salita o yunit ng mga salitang ginamit na akd
  • Pag-unawa sa mga salita ayon sa kontekstong kahulugan ng mga ito
  • Reaksiyon ng mambabasa sa akda upang makapagbigay siya ng kanyang saloobin, pagsang-ayon, o di pagsang-ayon sa sinasabi ng akda
  • Integrasyon ng mambabasa upang magamit ang mga natutuhang bagong kaalaman sa kanyang pang-araw-araw na buhay
  • Anuman ang nais maláman ng isang tao ay natutuklasan niya sa pamamagitan ng pagbabasa
  • Ang Makabuluhang Pagbasa. Natutukoy ang katuturan, Nakabubuo ng sariling katuturan, Naiisa-isa ang mga layunin, at Nasasabi ang mga pansariling layunin
  • Leo James English. Isang awtor ng English-Tagalog Dictionary, ang pagbasa/pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita.
  • Kenneth Goodman. Ang pagbasa ay isang saykolingguwistik na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binása. Isang prosesong paulit- ulit buhat sa teksto, sariling panghuhula, pagpapatunay, pagtataya, pagrerebisa, pagbibigay pa ng ibang pagpapakahulugan o prediksiyon.
  • James Dee Valentine. Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa maraming pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga nag- tatagumpay na tao ang mahilig magbasá.
  • James Coady. Ang kaisipang ibinibigay ni Goodman na nagwikang ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasang konsepto o kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.
  • Mga Layunin ng Pagbasa. 1. Nagbabasa tayo upang maaliw.
  • Mga Layunin ng Pagbasa. 2. Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga bagong kaalaman na maiimbak sa ating isip
  • Mga Layunin ng Pagbasa. 3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
  • Mga Layunin ng Pagbasa. 4. Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap nating na marating.
  • Mga Layunin ng Pagbasa. 5. Napag-aaralan natin ang kultura ng ibang lahi upang mabatid ang pagkakatulad at ang pagkakaiba nito sa kulturang ating kinagisnan.
  • May tatlong pangkalahatang uri ng pagbasa ayon kay Emett Albert Betts, isang awtor.
  • Pangkalahatang Uri ng Pagbasa. 1. pahapyaw na pagbabasa (skimming), 2. mabilisang pagbasa (rapid reading), at 3. paaral na pagbasa (study reading)