FIRST SESSION

Cards (41)

  • Pagbasa - kognitibong kasanayan sa pagbibigay-kahulugan
    o interpretasyon sa tekstong nakalimbag o wikang binibigkas.
  • Kognitibo - Ginagamit ang pag-iisip upang makaalam at makaunawa ng bagong impormasyon
  • Kasanayan - Kakayahan na kailangang paunlarin
  • Language Comprehension - Pag-unawa sa wika
  • Decoding - pag-unawa sa nilalaman
  • Sight Words - Salitang madalas na mabasa sa mga akda.
  • Visualization – Ang paggamit ng imahinasyon para maunawaan ang
    kabuluhan ng teksto.
  • Graphic Organizer – biswal na representasyon ng mga konseptong
    pagtutuunan ng pansin sa pagbabasa.
  • Guided Reading - ginabayang pagbasa ay ginagawa sa pamamagitan ng paglilista ng mga tanong tungkol sa babasahing teksto.
  • Summarizing
    • Pagbubuod ng teksto
    • Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mahahalagang detalye o pangyayari para mabuo ang kuwento sa pinakamaikling paraan
  • Pagbasa gamit ang Iskema - Paggamit ng kaalaman sa pagunawa at pagbibigay kahulugan sa mga bagay na nababasa natin sa paligid.
  • Iskema - ay ang kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan.
  • Mga Elemento ng Iskema bilang Pagbasa :
    • Dating kaalaman
    • Pagunawa sa pahayag
    • Kaalaman sa gramatika at bokabularyo
  • Dating kaalaman - o mga bagay na naranasan o natutuhan ng mambabasa
  • Pag-unawa sa pahayag - o ang kakayahan ng mambabasa na unawain ang kahulugan ng pahayag; at
  • Kaalaman sa gramatika at bokabularyo - o ang kaalaman sa kahulugan ng mga salita, estruktura ng wika, at paraan ng pagsasaayos ng mga ito
  • interaktibong proseso ng pagbasa
    • Ang ugnayan ng mambabasa at ng binabasa niyang teksto.
    • Dito, ang mga impormasyong nababasa natin mula sa teksto at ang dating kaalaman at kasanayan sa paghihinuha ay pinag-uugnay natin upang magtamo ng bagong kaalaman.
  • Teorya ng Interaktibong Pagbasa - Ang pagbasa ay kumbinasyon ng dalawang proseso: bottom-up at top-down
  • Bottom-up - Isang text-based approach
  • Top-down - isang reader-based approach
  • Modelong top-down - ang mambabasa ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto mula sa sariling pag-unawa sa mga nabasang salita at pangungusap.
  • Modelong bottom-up - ang teksto ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto.
  • Interaktibong proseso ng pagbasa
    • kapag ginagamit ng mambabasa ang kaniyang iskema para bigyang kahulugan ang binabasang teksto, kasabay nang paggamit ng kaniyang kaalaman sa wika at gramatika.
    • Kung gayon, ginagamit niyang pareho ang top-down at bottom-up na modelo ng pagbasa.
  • metacognition
    • ang kamalayan tungkol sa mga bagay na iyong iniisip.
    • Ibig sabihin, ang mambabasa ay may kontrol sa kung paano niya uunawain ang isang teksto.
  • metakognitibong pagbasa - ay ang pagpapakahulugan, pagbubuo ng katanungan, pagbibigay hinuha o pagkukuro, at pagbubuo ng kaisipan ukol sa binasa.
  • Bago magbasa - gumagawa tayo ng hinuha o palagay tungkol sa tekstong babasahin
  • Habang nagbabasa - gumagamit ng anotasyon at pag-aanalisa upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang binasang teksto.
  • Anotasyon - ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagkilala sa kahulugan ng mga salita, pagbuo ng mga tanong sa isipan ng mambabasa, at pagbabalangkas ng mga pangyayari sa teksto
  • Pag-aanalisa - ay pagsusuri ng katotohanan at kongklusyon ng mga pahayag ng may-akd
  • Pagkatapos magbasa
    • ang mambabasa ay gumagawa ng ebalwasyon ng teksto batay sa dalawang naunang proseso
    • kabilang na rito ang pag-unawa at paggawa ng interpretasyon ng mambabasa sa binasang teksto
  • Tekstong Impormatibo
    • Pangunahing uri ng teksto na kapupulutan ng kaalaman
    • ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
  • Obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
  • Dalawang uri ng impormasyon
    • tuwiran
    • hindi tuwiran
  • Layunin ng may-akda
    • Ano ang hangari ng may-akda sa kanyang pagsulat?
    • Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may akda
  • Mga Pangunahin at suportang ideya
    • Tungkol saan ang teksto
    • Ano-ano ang pangunahing ideya tungkol sa paksa?
    • Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?
  • Hulwarang Organisasyon
    • Paano inilahad ang mga suportang ideya?
    • Ano ang hulwaran ng organisasyon ang ginamit sa paglalahad ng detalye?
    • Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya?
  • Talasalitaan
    • Gumamit ba ng mga salita o terminolohiya na di-karaniwang ginagamit sa normal na pakikipag-usap at
    • ginagamit lang sa teknikal na usapin?
    • Matapos magbasa, naibigay ba ang kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit sa teksto?
  • Kredibilidad ng mga impormasyon
    • Sapat ba ang mga suportang ideya na tumatalakay sa teksto?
    • Nabanggit ba sa teksto ang pinagkunan ng impormasyon?
    • Mula ba sa mapagkakatiwalaang materyal ang mga nakasaad na impormasyon?
    • Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang mga impormasyong nakasaad sa teksto?
  • Paksa
    • tiyak na pangyayari o impormasyon na nais ipamalita o ipahayag sa publiko.
    • Mababasa ang paksa sa headline ng balita. Ang headline ay nagsisilbing pamagat at buod ng isang tekstong impormatibo.
  • Pangunahing ideya
    • ay naglalaman ng mahahalagang detalye ng tekstongimpormatibo. Sinasagot nito ang mga tanong na “ano,” “sino,” “saan,” “kailan,”, at “paano” ng pangyayaring ibinabahagi.
    • Sa tekstong impormatibo na balita, ito ay ang lead o ang unang talata ng buong teksto.
    • Maaari din namang ilang detalye lamang ang nasa lead at ang pagsagot sa iba pang tanong ay nakakalat sa buong balita.