Ang susi ng katagumpayan ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig
Maluwag (extemporaneous):
Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda
Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ipahayag
Madalas sa outline lamang ang isinusulat ng manunulat
Manuskrito:
Ginagamit sa mga kombensiyon, seminar at programam sa pagsasaliksik
Pinag-aaralan ng mabuti at dapat nakasulat
Ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtititwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin
Kailangan ng matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala
Isinaulong Talumpati:
Mahusay na pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng tagapakinig
May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas sa harap ng tagapakinig