Si General Paulino Santos ang namamahala sa pioneer colony na karamihan ay mga Kristyanong migrante
Ang orihinal na pangalan ng General Santos City ay "Municipality of Buwayan" bilang pagpupugay sa legacy ni General Paulino Santos
Ang lungsod ng General Santos matatagpuan sa katimugang baybayin ng Mindanao, sa bukana ng Sarangani Bay sa Dagat Celebes
Ang General Santos City ay tinaguriang isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa Pilipinas
Mayroong 26 na barangay ang General Santos City na pinamumunuan nina Mayor Lorelie G. Pacquiao at Vice Mayor Rosalita T. Nuñez
Ang General Santos City ay sagana sa mga produktong pang-agrikultura tulad ng mais, niyog, pinya, asparagus, saging, at palay
Ang General Santos City ay kilala bilang "Tuna Capital of the Philippines" at may world record para sa pinakamalaking tuna display sa mundo
Ang mga pangunahing festival sa General Santos City ay ang Kalilangan Festival tuwing Pebrero, GenSan Tuna Festival tuwing Setyembre, at Paskuhan sa GenSan tuwing Disyembre
Ang pangunahing wikang sinasalita sa General Santos City at sa mga nakapaligid na komunidad ay Cebuano
Mayroong mga pangkat etniko sa General Santos City tulad ng Cebuano, Ilonggo, Maguindanaon, at Tagalog
Mayroon ding mga indigenous groups sa General Santos City tulad ng Blaan, T'boli, at Manobo
Kilalang personalidad mula sa General Santos City sina Manny Pacquiao, Shamcey Supsup, at Melai Cantiveros-Francisco
Mga sikat na lugar sa General Santos City ay ang Fish Port Complex at Sarangani Highlands Garden
Ang SM City General Santos ay isang sikat na shopping mall sa General Santos City na nag-aambag sa komersyal at rekreatsyonal na tanawin ng lungsod
Ang General Santos City International Airport ay isang alternatibong internasyonal na paliparan na matatagpuan sa lungsod bilang malawak na lugar ng SoCCSKSarGen
Sarangani ay isang lalawigan ng Pilipinas na kabilang sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN, pulo ng Mindanao
Ang kabisera ng Sarangani ay Alabel at napapaligiran ito ng Timog Cotabato sa hilaga at Davao Del Sur sa silangan
Ang lawak ng Sarangani ay 3,601.25 kilometro parisukat at mayroong 558,946 katao na naninirahan base sa census noong 2020
Sarangani ay binubuo ng pito (7) na munisipyo na hinahati ng Look ng Sarangani sa dalawang grupo
Nasa kanluran ang Kiamba, Maasim, at Maitum
Nasa silangan naman ang Alabel, Glan, Malapatan, at Malungon
Binubuo ang Sarangani ng 141 na barangay
Ang mga tribong katutubo sa Sarangani ay binubuo ng mga Mulusiyano kabilang na rito ang mga Blaan, Tboli, Tagakaolo, Kalagan, Manobo, Ubo, mga tribong Muslim at mga Kristiyanong naninirahan
Mga Diyalekto:
Cebuano
Hiligaynon
Blaan
Tboli
Maguindanaon
Sarangani
Ilocano
Ang mga tribong katutubo sa Sarangani ay may malalim na kaugnayan sa musika at sayaw
Ang mga tribong katutubo ng Sarangani ay may malalim na pananampalataya at nagpapatuloy sa mga tradisyunal na ritwal
Ang kultura sa Sarangani ay malapit sa lupa at pagsasaka, kung saan ang mga tribong katutubo ay mga magagaling na magsasaka at nagtatanim ng kanilang sariling pagkain tulad ng palay, mais, at mga gulay
Ang Sarangani Bay Festival o Sarbay Festival ay ang pinakamalaking beach festival sa Pilipinas tuwing huling linggo ng Mayo