Ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa sabi ni alejandro abadilla
Ang sanaysay ay nagmula sa salitang essayer na ang ibig sabihin ay sumubok o tangkain
Nagsimulang yumabong ang sanaysay sa mga sulatin ni Michel de Montaigne (1533-1592)
Ang sanaysay ay nagsimula na sa Asya bago pa isilang si Kristo sa pangunguna ni Lao-Tzu na sumulat ng Tao Te Ching
Yushida Kenko ng Hapon ay nakilala noong ika-14 dantaon at may katha ng "Mga Sanaysay sa Katamaran"
Ang salitang "sanaysay" ay binubuo ng dalawang salitang "sanay" at "salaysay" ayon kay Alejandro G. Abadilla
Isang mananalaysay ay isang taong "sanay magsalaysay"
Ang mabisang may-akda ay marunong mag-organisa ng pangungusap at kaisipan, malikhaing pagsulat at presentasyon
Dapat taglayin ng sanaysay:
Diin (Emphasis): nagbibigay diin/maiiwa sa mambabasa
Kaisahan (Unity): central idea ng sanaysay para hindi magulo, pangungusap ay dapat connected sa sunod na pangungusap
Kaugnayan (Coherence): hindi dapat humiwalay sa topic
Kawilihan (Interest): makakaugnay ang topic sa mambabasa
Pagsulat ng Simula:
Paggamit ng retorikal na tanong
Paggamit ng mga sipi
Paggamit ng mga hiram na elemento mula sa panitikan
Mas mainam na ihayag ang "thesis statement" sa simula upang mabigyang pokus ang argumento at mensaheng nais ipahayag
Maari ding gumamit ng tema maliban sa "thesis statement"
Pagsulat ng Katawan:
Isang ideya isang talata lamang
Ang huling pangungusap ng isang talata ay maaaring magsilbing transisyon. Maari ding tumayo ang isang pangungusap na talatang transisyon
Ang mga sumusuportang ideya ay maaring ihiwalay bilang isang talatang pangungusap. Dapat lamang tiyaking ang susunod na talata pagkatapos nito ay talatang nagpapaliwanag sa ideya ng sinundang talatang pangungusap
Pagsulat ng Konklusyon
ang konklusyon ay hindi lamang paglalagom ng kabuuan ng sanaysay
dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sanaysay