pampanitikan

Cards (13)

  • Moralistiko
    • sinusuri ang panitikan batay sa pagpapahalagang taglay nito tulad ng disiplina moralidad at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla
  • Sosyolohikal
    • mahihinuha ang kalagayan ng lipunan nang panahong isinulat ang akda
  • Sikolohikal
    • ipinapaita nito ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha ang antas ng pamumuhay, kanyang paninindigan, paniniwala at pagpapahalaga gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang kaisipan at kamalayan
  • Formalismo
    • binibigyang pansin ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o panahon at maging sa pagkatao o katangian ng may akda
  • Feminismo
    • layon nitong labanan ang anumang, deskriminasyon, eksploytasyon, opresyon at tradisyunal na pananaw sa kababaihan
  • Imahismo
    • naglalayong magpahayag nang malinaw gamit ang  mga tiyak na larawang biswal. Nabibigyang buhay ng may-akda ang mga kaisipang nais ipahiwatig 
  • Humanismo
    binibigyang pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay
    • ang tao ay higit sa kaysa sa anumang bagay
  • Marxismo
    tungkol sa pagkakaiba-iba ng kalagayan sa buhay at ang implikasyon ng sistemang kapitalist sa ating lipunan
    tunggalian sa 2 malakas at magkasalungat na puwersa o kapangyarihan (malakas at mahina, mahirap at mayaman, may kapangyarihan at naaapi)
    • ipinapakita kung paano sa totoong buhay ang mahihirap at manggagawa ay naaapi 
  • Arketipo
    • paggamit ng huwaran o modelo para masuri ang akda
  • Existensiyalismo
    • ipinapakita nito ang kalayaan sa pagpapasya ng isang tao para sa kanyang sarili at upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito nang sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan
  • Klasisismo
    pagpapahalaga sa katwiran at pagsusuri
    • paglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahan (malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkasunod-sunod at may hangganan)
  • Romantisismo
    pagpapahalaga sa indibidwalismo kaysa kolektibismo, rebolusyon kaysa konserbatismo, imahinasyon kaysa katwiran, likas kaysa pagpipigil
    • lumulutang ang damdamin kaysa kaisipan
  • Realismo
    pagpapakita ng katotohanan maging ito man ay hindi maganda
    • paglalahad ng pangyayari sa tunay na buhay