Pasasalamat - gawi ng isang taong mapagpasalamat. Pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutihang loob.
Pasasalamat
Gratitude (englis)
Gratus (nakalulugod)
Gratia (pagtatangi o kabutihan)
Gratis (libre o walang bayad)
Bakit dapat malaman?
Dapat malaman para maipalabas ang paraan ng respeto sa taong gumawa ng kabutihan sa iyo.
Bakit dapat maunawaan?
Dapat maunawaan para maisapuso at masiguradong bukal ang ating pasasalamat.
Mahalaga na marunong magpakumbaba at kilalanin mo na sa tulong ng iba ikaw ay naging matagumpay.
Utang na Loob - buhay ng pasasalamat. Tayo ang magdedesisyon kung babayaran ang utang na loob.
Patronage politics – Pag – iral ng sistema ng isang politiko o pamilya nito na laging binoboto dahil sa mga ginagawang umano’y nilang tulong na mula naman mismo sa pera ng mga nagbabayad ng buwis.
Pagpapakita ng Pasasalamat:
Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.
Magpadala ng liham na pasasalamat sa mga taong nagpakita sa iyo ng kabutihan.
Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
Magpasalamat sa bawat araw.
"Gratitude is the memory of the heart" - an old French proverb by Jean-Baptiste Massieu
Additional Notes:
Natural sa isang tao ang pagpapasalamat.
Kapag ikaw ay nagpasalamat, ibig sabihin pinapahalagahan mo ang tao at kanyang ikinilos.
Bukal at galing sa puso ang pasasalamat.
Ang pagpapasalamat ay libre at walang bayad.
Lesson 1: Pasasalamat, Isapuso Natin
Ang pagpapasalamat ay isang pagpapakita ng apresasiyon sa isang indibiduwal na nakatanggap ng biyaya, nasasalat man ito o hindi.
Sa pamamagitan ng pagpapasalamat, pinapakita nito ang pagkilala sa mabuting nagawa o naibigay ng isang tao sa kanilang buhay
Ang pagpapasalamat ang nakatutulong sa pagkakaroon ng maayos na ugnayan ng isang tao sa kaniyang kapwa, sa paligid, o sa Diyos.
Dalawang Konseptong mahalagang malaman at dapat maunawaan - “Salamatpo” Halos araw – araw ay palagiang naririnig ang ganitong pananalita sa mga pangkaraniwang pangyayari
Nararapat na suriin ang paraan ng pasasalamat dahil may mga pagkakataon na ito ay nakasasama.
Mahalaga ang pasasalamat sapagkat likas sa tao ang pagnanais na siya ay kilalanin. Ang mga taong tumutulong sa kapwa ay sapat na ang simpleng pasasalamat ay masaya na sakanilang naririnig
Isa itong magandang pag – uugali na nararapat isabuhay lalo na ng mga nagtataglay ng entitlement mentality o paniniwala na karapatan ng isang tao na tulungan sila kaya hindi na kailangang pasalamatan dahil tungkulin naman nito. Ito ay kawalan ng magandang asal at kabaligtaran ng pasasalamat.
Ang pasasalamat ay magandang ugali.
Una, ito ay tanda ng pagkilala sa nagawang maganda ng isang tao. Pangalawa, nagpapakita ito ng pagkagiliw sa mga taong nakatutulong.
Ang pasasalamat kung paulit – ulit na gagawin ay magiging birtud o mabuting asal na siyang dahilan kaya’t ito ay nagiging salamin ng mabuting pagkatao ng nagtataglay nito.
Sa Estados Unidos ay may isang araw na itinakda upang magpasalamat ang mga tao o iyong tinatawag na Thanksgiving Day. Sa Pilipinas ay may piyesta at ang bawat lokalidad sa bansa upang ipagdiwang ang pasasalamat sa mga patron at maging sa kalikasan.