Ang Pagbasa ay isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na simbolo at nauunawaan ang kahulugan nito. Ang simbolong ito ay mga titik na bumubuo sa iba’t ibang salita.
Villamin Et.Al (1998)
Ang pagbasa ay tumutukoy sa aktibong dayalogo na namamagitan sa may-akda at mambabasa.
Koch Et. Al (1982)
Ang pagbasa ay hindi lamang pagpapakilala sa mga simbolong nakalimbag kundi pagkuha ng kahulugan ng nakalimbag na simbolo sa pamamagitan ng wastong pag-unawa at pagpapakahulugan s mensahe at layunin ng sumulat
Gray (1956)
Apat na proceso
Pagkilala
Pag-unawa
Pagreak
Pag-uugnay
Rubin (1983)
Ang pagbasa ay pagdadala at pagkuha ng kahulugan sa nakalimbag na pahina. Ipinahihiwatig nito na dinadala ng mga mambabasa ang kanilang kaligirang kaalaman, karanasan at emosyon sa kanilang binasa.
Ang kritikal na pagbasa ay ang pagkilala sa mga salita at pag-unawa sa ibig sabihin ng binasang teksto, matutunghayan sa kritikal na pagbasa ang malalim na pagsususri ng mambabasa tungkol sa mensaheng nais ipahiwatig ng akdang binasa.
Mga kakayahan/kasanayan na kailangan ng mambabasa
Word Perception
Comprehension
Fluency
Decoding
Vocabulary
Literary Appreciation
Teoryang BottomUp
Pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo(stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response)
Nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala, pangungusap ng buong teksto bago ang pagpapakahulugan.
Teoryang TopDown
Ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) tungo sa teksto (down)
Teoryang Interaktibo
Binibigyang- diin ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto.
Teoryang Iskema
Pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili.
Ang “background knowlegde”ang saligang kaalaman at kayariang balangkas ng dating kaalaman
Masaklaw na Pagbasa
Ito ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng pagbasa dahil nakatuon lamang sa pamagat o heading ng talata at simula lamang ng pangungusap upang makuha ang pangunahing ideya at pangkalahatang layunin ng teksto.
Masusing Pagbasa
Ginagamit ang pamamaraang ito kung may tiyak na impormasyon na nais hanapin ng magbabasa.
Pagalugad na Pagbasa
Ginagawa ang pamamaraang ito kung ibig ng mambabasa na alamin ang kabuuang nilalaman ng teksto.
Mapanuring Pagbasa
Sinusuring mabuti ng mambabasa ang kaugnay na salita at talata upang mahanap ang ipinapahiwatig na mensahe.
Kritikal na Pagbasa
Masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at saloobin ng teksto
Malawak na Pagbasa
Nagbabasa ng iba’t ibang akda ang mambabasa bilang libangan at pampalipas oras.
Malalim na Pagbasa
Kinakailangan ang masinsinan at malalim na pagbasa.
Maunlad na Pagbasa
Sumasailalim ang mambabasa sa iba’t ibang antas ng pagbasa na may paggabay ang guro.
Tahimik na Pagbasa
Ginagamit ng mambabasa ang kanyang mata sa pagbasa.
Malakas na Pagbasa
Binibigkas ang teksto o kwentong binasa sa paraang masining at may damdamin.