Ap

Cards (129)

  • Ang pangunahing sark ng pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya ay ang pagpapaunlad ng ekonomiya
  • Ang pagdating ng mga produktong Asyano sa Europe simula noong ikalawang siglo BCE ay nangyari sa pamamagitan ng mga sinaunang rutang pangkalakalan
  • Nang limitahan ng mga Turks ang kalakalan sa pagitan ng Europe at Asya, napilitan ang iba pang bansa sa Europe na maghanap ng ibang rutang pangkalakalan
  • Mga salik sa pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya:
    • Ang Krusada
    • Ang pagpapalawak ng kaalaman
    • Ang Panahon ng Pagtuklas at Panggagalugad
  • Maraming kuwento tungkol sa karangyaan at kagandahan ng Asya ang nakarating sa Europe
  • Ang aklat na Il Milione ni Marco Polo ay naging tanyag at nagdulot ng interes sa Asya sa mga Kanluranin
  • Simula noong unang panahon, mahalaga para sa mga Kanluranin ang pakikipagkalakalan sa mga Asyano
  • Mayroon nang ugnayang-pangkalakalan ang mga Asyano at mga Kanluranin simula noong ikalawang siglo BCE
  • Ang tatlong sinaunang rutang pangkalakalan ay Hilagang ruta, Gitnang ruta, at Timog na ruta
  • Ang Hilagang ruta ay mula sa Peking (Beijing) patungo sa disyeto ng Gitnang Asya, dadaan sa Caspian Sea at Black Sea, at magtatapos sa lungsod ng Constantinople
  • Ang Gitnang ruta ay nagsisimula sa India, tatawid sa Indian Ocean at Arabian Sea hanggang sa Ormuz sa Persian Gulf
  • Ang Timog na ruta ay mula sa India, tatawid sa Indian Ocean at Arabian Sea, at magtatapos sa lungsod ng Cairo o Alexandria sa bansang Egypt
  • Ang Constantinople ay mahalaga sa ugnayang pangkalakalan ng Asya at Europe
  • Ang monopolyo ng mga Italian sa mga produktong Asyano ay nagdulot ng paghahangad ng ibang Kanluraning bansa na magkaroon ng paraan upang makipagkalakalan sa Asya
  • Ang paghahanap ng ibang rutang pangkalakalan ng ibang Kanluraning bansa ay nagresulta sa pagbaba ng halaga ng mga produktong Asyano at paghinto ng monopolyo ng mga Italian
  • Panahon ng Pagtuklas at Paggagalugad:
    • Nagsimula noong 1450 at nagtapos noong 1650
    • Maraming bagong lupain na narating at natuklasan ang mga Kanluranin
    • Umunlad ang sistema ng paglalayag
    • Naimbento ang mga kagamitan tulad ng astrolabe at compass
    • Naging mas maayos at wasto ang pasusukat ng distansya at paggawa ng mapa
    • Nakagawa ng higit na malalaki at matitibay na barko
    • Nakatulong sa pagiging ligtas ng paglalakbay
  • Prinsipe Henry:
    • Nagpatayo ng paaralan para sa mga cartographer o mga eksperto sa mapa
    • Sinanay ang kaniyang tauhan sa paglalayag, paggamit ng compass at astrolabe, at paggawa ng malalaking barko
    • Narating ang mga pulo ng Azores, Canary, at Cape Verde
    • Narating ni Bartholomeu Dias ang dulo ng Africa na tinawag na Cape of Good Hope
  • Vasco da Gama:
    • Noong 1498, narating ang Calicut sa kanlurang baybayin ng India
    • Tagumpay sa Portugal, nagbunga ng pagkawasak ng monopolyo ng mga Italian sa produktong Asyano
    • Naglalayag ng mas maraming Kanluranin patungo sa Asya
    • Nagkaroon ng dalawang yugto ng Kolonyalismo sa Asya
  • Kolonyalismo sa Asya:
    • Unang yugto: ika-16 hanggang ika-17 siglo
    • Ikalawang yugto: ika-18 hanggang ika-19 siglo
    • Kinakitaan ng pagkontrol at pananakop ng mga Kanluranin sa mga lupain at bansa sa Asya
    • Hangaring mapaunlad ang ekonomiya ng bawat bansa
    • Unang yugto: naimpluwensiyahan ng Merkantilismo
    • Ikalawang yugto: isinulong ang Kapitalismo bunga ng Rebolusyong Industriyal
  • Ang Merkantilismo ay isang sistema kung saan ang mga Kanluranin ay mapapadami ang kanilang ginto at pilak sa pamamagitan ng pagkontrol sa kalakalan ng pampalasa
  • Ang pagsunod sa prinsipyo ng merkantilismo ang pangunahing dahilan ng unang yugto ng Kolonyalismo sa Asya
  • Sa Europa, ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabatay sa kanilang yaman
  • Ang sukatan ng yaman sa Europa ay ang halaga ng bullion o ang dami ng ginto at pilak na kanilang pag-aari
  • Ang Venice ang nagbigay ng magandang paliwanag kung bakit nais ng mga Kanluranin na padamihin ang kanilang bullion
  • Sa ilalim ng merkantilismo, ang mga bansa ay maaring maging mayaman sa pamamagitan ng pagmimina ng ginto at pilak sa kanilang bansa o sa ibang lupain
  • Upang maparami ang ginto at pilak, kailangan ng mga Kanluranin na maghanap ng mga ito sa labas ng kanilang bansa
  • Ang mga nasakop na lupain ay mahalaga sa mga Kanluranin dahil ito ang direktang pinagkukunan ng ginto at pilak na nadadagdag sa kanilang bullion
  • Ang mga patakaran ng mga Kanluranin ay nakasentro lamang sa mga gawaing pang-ekonomiya, partikular sa pagkontrol sa kalakalan
  • Sa Great Britain, ipinasa ang Navigation Act of 1651 na nagbabawal sa mga dayuhan na makipagkalakalan sa Great Britain upang hindi mabawasan ang kanilang ginto at pilak
  • Sa France, ipinagutos ni Jean-Baptiste Colbert ang pagtaas ng singil sa taripa sa mga sentro ng kalakalan sa Asya na nasa ilalim ng kanilang pamamahala
  • Ang ginto at pilak ang ginagamit na pambayad sa taripa, kung mas maraming ang kalakalan ang kanilang makokontrol mas marami makukuhang ginto at pilak mula sa taripa na ibinabayad ng mga mangangalakal
  • Isa pang estratehiya na ginamit ng mga Kanluranin upang hingin ang tulong ng mga lokal na pinuno ay ang pagbibigay sa kanila ng bahagi ng kita sa pakikipagkalakalan
  • Ang mga lokal na pinuno ay hindi nagtangka na salungatin ang mga Kanluranin dahil sa mas malalakas na kagamitang pandigma ng mga ito
  • Siniguro ng mga Kanluranin sa mga lokal na pinuno na hindi nila hangad na sakupin ang buong bansa
  • Hindi prayoridad ng mga Kanluranin na sakyin ang buong bansa dahil magastos
  • Mababawasan ang kantidad ng ginto at pilak sa pagbili ng baril, kanyon, at barkong pandigma
  • Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay naging masigasig ng mga bantang Spain at Portugal sa kanilang nasakop na lupain
  • Ang pananakop ng lupain ay naging daan upang maparami ang bilang ng tagasunod ng relihiyong Kristiyanismo
  • Ang mga pari na itinalaga na mamahala sa mga lupaing nasakop ng mga Espanyol, sila rin ang namahala sa edukasyon ng mga katutubong Pilipino
  • Ang Kristiyanismo ay naging malawak ang impluwensya sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga patakarang ipinatupad