Konspeto ng Gender at Sex

Cards (20)

  • SEX - tumutukoy sa kasarian, kung lalaki o babae. ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao
  • SEX - tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
  • GENDER - tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalake. karaniwang batayan nito ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan
  • GENDER - ito ang pagiging masculine o feminine
  • KATANGIAN NG SEX (CHARACTERISTICS OF SEX)
    1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalake ay hindi
    2. Ang mga lalaki ay may titi at testosterone habang ang mga babae ay may suso at estrogen
  • KATANGIAN NG GENDER (CHARACTERISTICS OF GENDER)
    1. Ang lalaki ang tinuturing na malakas at matipuno samantalang ang babae ay tinitignan bilang mahinhin at mahina
    2. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay
  • ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION) - tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal, at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa
  • PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY) - kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sez niya nang siya'y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing sa sariling katawan, at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos
  • ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION) - tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho
  • HETEROSEKSWAL, HOMOSEKSWAL - uri ng oryentasyong sekswal o sexual orientation
  • HETEROSEXUAL - mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ang babae at ag mga babaeng gusto naman ay lalaki
  • HOMOSEXUAL - mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
  • LGBTQIA+
    1. LESBIAN
    2. GAY
    3. BISEXUAL
    4. TRANSGENDER
    5. QUEER
    6. INTERSEX
    7. ASEXUAL
  • LESBIAN - mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tomboy at tibo)
  • GAY - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (bayot, beki, bakla)
  • BISEXUAL - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
  • TRANSGENDER - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma
  • QUEER - mga taong hindi sang ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae
  • INTERSEX (HERMAPHRODITISM) - taong may parehong ari ng lalaki at babae
  • ASEXUAL - mga taong walang nararamdamang atraksyong sekswal sa anumang kasarian