(Panahanan) Noon, may sinaunang Pilipinong nakatira sa mga kuweba at naging lagalag (nomad) o walang permanenteng tirahan.
Wika ang salitang ginagamit para sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan.
(Pagkain at inumin) Makikita sa mga pilipino ang pakahilig sa pagkain.
(Kagamitan) Mahalaga ang mga parao sa mga sinaunang Pilipino. Ito ang kanilang sasakyang tubig.
Kultura ang tawag sa pang araw araw na gawi ng tao batay sa kaniyang kapaligirang ginagawalan.
Ilokano — Ito ang wika ng mga naninirahan sa hilagang Luzon at ilang bahagi ng Gitnang Luzon.
Bikolano — Ito ang wika ng mga naninirahan sa rehiyon ng Bicol at ilang lugar sa Timog Luzon.
Cebuano — Ito ang wika sa Kabisayaan na karaniwang ginagamit ng mga taga-Gitnang Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.
Hiligaynon o Ilonggo — Ito ang wikang ginagamit sa Panay at Negros.
Kapampangan — Ito ang wika sa Gitnang Luzon.
Pangasinense — Ito ang wika sa Pangasinan at karatig nito.
Waray-waray — Ito ang wika sa Samar at Leyte, gayundin sa Silangang Visayas.
Tagalog — Ito ang wika sa NCR at sa malaking bahaging Timog at Gitnang Luzon. Ito rin ang wika ng may pinakamalaking porsiyento ng populasyon sa bansa.