Filipino 2nd grading Grade 6

Cards (50)

  • Panlarawan naglalarawan ng hugis, anyo, lasa, amoy, kulay, at laki ng mga bagay
  • Pamilang mga salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan
  • Patakaran mga basal na bilang o mga batayang bilang
  • Panunuran nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan o pang ilan
  • Pamahagi nagsasaad ng bahagi o parte ng isang kabuoan
  • Palansak nagsasaad ng pangkatan, minsanan, o maramihan ng pangngalan
  • Pahalaga nagsasaad ng halaga ng bagay na binibili, binili, o bibilhin
  • Patakda tinitiyak nitong ang bilang ay di mababawasan o madaragdagan
  • Pantangi binubuo ng pangngalang pambalana at pangngalang pantanging ang huli ay naglalarawan sa una
  • Lantay ang tuon ng panlalarawan ay sa isang pangngalan o panghalip lamang
  • Pahambing naghahambing sa magkatulad at hindi magkatulad na katangian
  • Pahambing patulad paghahambing ng dalawang magkatulad na katangian
  • Pasahol kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing
  • Palamang nakahigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing
  • Pasukdol ang paghahambing ay nakatuon sa higit sa dalawang bagay, lugar, pangyayari, o tao
  • Liham pangangalakal ay isinusulat upang makipag ugnayan sa mga tanggapan o opisina
  • Liham ng pagpapakilala isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o isang bagay
  • Liham aplikasyon isinusulat ito ng taong naghahanap ng trabaho
  • Liham ng pamimili isinusulat sa pagbili ng panindang ipinadadala sa koreo o email
  • Liham ng suskripsyon isinusulat ng taong gustong bumili ng suskripsyon ng pahayagan, magasin, at iba pang babasahin
  • Liham na nagrereklamo isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing
  • Liham na nagtatanong isinusulat upang humingi ng impormasyon tungkol sa paninda o serbisyo
  • Pamuhatan dito isinusulat ang tirahan ng sumusulat at ang petsa ng pagkakasulat
  • Patunguhan binubuo ng pangalan at katungkulan ng susulatan, tanggapin, o opisina
  • Bating panumula maikli at magalang na pagbating nagtatapos sa tuldok
  • Katawan ng liham tiyak at tuwiran ang nilalaman dito
  • Bating pangwakas maikli at nagalang na pamamaalam
  • Lagda dito isinusulat ang buong pangalan ng sumusulat at pirma sa ibabaw nito
  • Pang abay nagbibigay turing sa pandiwa, panguri, o kapwa pang abay
  • panguri nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip
  • Pahapyaw mabilis na pagbasa
  • Palaktaw tiyak na impormasyon o sagot sa isang tiyak na tanong
  • Pamaraan sumasagot sa tanong na paano naganap
  • Panlunan sumasagot sa tanong na saan
  • Pamanahon sumasagot sa tanong na kailan
  • Ingklitik tawag sa mga katagang karaniwan kasunod ng unang salita
  • Panggaano ang tawag sa mga pang abay na nagsasabi ng dami, halaga, timbang, o sukat
  • Pananggi ang tawag sa pang abay na nagsasaad ng pagsalungat o di pang sangayon
  • Panang ayon ang tawag sa mga pang abay na nagsasabi ng pakikiisa sa opinyon
  • Pang agam ang tawag sa mga pang abay na nagsasaad ng aalinlangan o kawalang katiyakan