FILIPINO PANITIKAN

Cards (28)

  • ALAMAT - mga haka-hakang kuwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bayan
  • ANEKDOTA - maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-wiling pangyayari
  • AWITING BAYAN - mga awit ng mga Pilipinong ninuno
  • BALAGTASAN - uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa sa paraang patula
  • BUGTONG - pangungusap na may pinapahulaang kahulugan
  • DAGLI - uri ng pagsulat ng isang akda na mas maikli sa isang maikling kuwento
  • BALITA - naglalaman ng ulat tungkol sa isang pangyayari
  • DEBATE - pakikipagtalong may estruktura
  • DULA - nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo, naglalayon na maitanghal sa harap ng maraming tao o sa entablado
  • EDITORYAL - naglalaman ng opinyon ng may akda tungkol sa isang isyu
  • EPIKO - uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan o pakikipag-laban ng isang tao o grupo laban sa kanilang kaaway
  • KASABIHAN - maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami
  • KUWENTONG BAYAN - tradisyon ng isang kultura o pangkat
  • LIHAM - isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao
  • LIRIKO - nakasulat na pagpapahayag ng damdamin
  • MAIKLING KUWENTO - maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayari na mayroong isa o ilang tauhan na may iisang impresyon lamang
  • MITOLOHIYA - malaking uri ng literatura na kung saan madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang
  • NOBELA - akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata
  • PABULA - uri ng kathang-isip na panitikan kadalasan mga hayop o bagay ang pangunahing tauhan
  • PARABULA - kwentong hango sa bibliya, naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral
  • PELIKULA - anyo ng sining o bahagi ng industriyang libangan, nililikha sa pamamagitan ng pagrekord ng totoong tao
  • SALAWIKAIN - tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya
  • SANAYSAY - sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman
  • SAWIKAIN - mga moto o idyoma
  • TALAMBUHAY - kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon
  • TALUMPATI - buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado sa harap ng madla
  • TULA - maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat na binubuo ng saknong at taludtod
  • BIBLIYOGRAPIYA - ito ay listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat, pahayagan, magasin at iba pa na inaayos nangpaalpabeto.