PPITP QUIZ 1

Cards (27)

  • Ang Teksto ay uri ng mga sulatin na  mababasa ninuman. nagiging batayan ng isang mananaliksik upang makapangalap ng mga datos na kanyang isusulat
  • Ang Tekstong Impormatibo ay Naglalahad ito ng bagong punto o kaalaman tungkol sa isang paksa. karaniwang nagsasad ito ng mga bagong pangyayari, datos at iba pang kaalaman na makakatulong sa isang mananaliksik upang mapagyaman niya ang kanyang isinusulat na papel
  • Ang anumang tekstong mababasa ay may layunin. Ito ay may layong makapag-bigay ng impormasyon, maglarawan, magsalaysay ng isang pangyayari, magturo ng proseso, manghikayat o kahit magbigay-aliw
  • Kadalasan, ang sumusulat ng isang tekstong impormatibo ay mayroong spat na kaalaman tungkol sa paksa, ang ganitong uti ng teksto ay may layuning pataasin ang kaalaman ng mambabasa tungkol sa isang paksa o konsepto at tulungan siyang maunawaan ito
  • Ayon kay Duke at Bennet-Armistead, 2003, ang tekstong impormatibo ay di-piksiyon o hindi nakabatay sa opinyon o sa kathang-isip. Ang mga katotohanan, datos, at pangyayaring inilahad nito ay nakabatay sa mapapagkatiwalaang sanggunian.
  • Ang Tekstong prosidyural ay nagbibigay ng panuto o hakbang kung papaano ikasasatuparan ang isang gawain o kumpletuhin ang isang proseso. naglalaman ng salitang kilo, salitang nag sasaad ng pagkakasunod-sunod, pang-abay na pamanahon, utos o salitang teknikal
  • Ang Tekstong nagpapaliwanag ay may dalawang anyo ng pagpapaliwanag sa pagkakaganap ng isang baga-yaong nagpapaliwanag kung (a) “bakit” at
           (b) “paano” naganap ng isang bagay
  • Ang Tekstong gumugunita ay paano naganap ang isang pangyayari sa impormatibo o nakakaaliw na pamamaraan•inilalahad nito ang mga pangyayare ayon sa pakakasunod-sunod mula simula hanggang wakas. kalimitang mababasa dito ang mga pangalan, salitang kilos, pangatnig, pang-abay, pang-uri ang mga salitang nag papahiwatig ng panahon
  • Ang Mga Ulat ay Naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay sa paraang obhetibo. nagbibigay ng pangunahing kaisipan tungkol sa paksa na sinusundan ng mga talayang nag bibigay ng karagdagang-paliwanag tungkol dito. pinakamahalagang detalye ano, sino, saan, kailan at bakit.
  • Ang Tekstong naglalarawan ay nakatuon ito sa mga katangian ng isangbagay, gaya ng detalye ng piskal na anyo, amoy, tunog, lasa hatid ng damdamin at iba pa. maaari iyong pasukan ng sariling pagtataya ng may akda. nagsisimula sa panimula na susundan naman ng balangkas ng mga katangian ng bagay na inilalarawan, na nagtatapos sa konklusyon
  • •PANIMULA - naglalaman ito ng paksang pangugusap na tumutukoy sa tema o bagay na tatalakayin sa teksto.
  • •KATAWAN - impormasyong nagbibigay ng tiyak na detalye tungkol sa paksa bahaging nagpapaliwanag o nagpapalwak sa paksa.
  • KONGKLUSYON - dito maaaring talakayin   ang halaga o implikasyon ng mga impormasyong natalakay
  • TALASANGGUNIAN - iniisa isa ang mga sangguniang pinagbatayan ng mga teksto. Pinapatibay nito ang kredibilidad ng mga impormasyong inilalahad
  • Ang Tekstong Deskriptibo ay nagbibigay ng mga katangian ng isang tao, bagay, lugar, karanasan o pangyayarari upang makabuo ng isang “gimahen” sa isip ng mga mambabasa. gumagamit ito ng malinaw na mga salitang naglalarawan upang makita o maranasan ng mambabasa ang mga detalyeng nais isalin ng teksto
  • •Pumupukaw sa limang pandama paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa at pansalat. ang tekstong deskriptibo ay tumutulong para lumikha ng impresyon
  • ang Pagsulat ng Tekstong deskriptibo ay mahalagang prinsipyo ang “show don’t tell”. dapat buuin ang isang imahen ng isang tao, bagay, lugar, karanasan o pangyayarari sa pamamagitan ng pilling salitang naglalarawan at hindi ito dapat tuwiran lamang sasabihin sa mga mambabasa
  • Ang Mahalagang Idea ay Ang isang paglalarawan na sinasabi lamang  nang tuwiran ay kulang sa buhay at may kalabuan. Ang isang paglalarawan naman na ginagamitan ng piling mga salita at nag lalahad ng tiyak na mga detalye ay higit na buhay at may kakayahang “magparanas” kahit ito ay mga salita lamang
  • ang Tekstong Persuweysib ay •Ang panghihikayat ay bahagi ng araw-araw na diskurso.•ilan sa halimbawa nito ang paglalako ng mga kasangkapan sa bahay na humuhimok sa mga magulang mong kunin na ang ibinebentang aparadaor
  • Sa makatawid ang tekstong persuweysib ay isang teksto na humuhimok sa mambabasa na tanggapin ang kaisipang hinain ng may akda.
  • Ayon kay Juliet Erickson (2004) ay ang unang dapat isaalang-alang sa pang hihikayata ay ang magaling at malinaw mina sa may-akda kung ano ba ang nais niya at bakit niya ito nais. Dapat niya itong mapaunawa sa kanyang mga mambabasa nang tiyak at walang pabiro, paligoy-ligoy o pagpapaumanhin.
  • Mga gabay sa pagsulat ng tekstong persuweysib ayon kina Pie Corbett at Julia Strong (2011)
    1. Ang isang tekstong persuweysib ay pumupukaw dapat ng damdamin.
  • 2. Ang isang tekstong persuweysib ay sinisimulan sa isang pahayag na nagpapakilala ng kaisipang "ibinebenta" ng may-akda.
  • 3. Ang mga kasunod na talata ng tekstong persuweysib ay sumusuporta dapat sa paksang pangungusap.
  • 4. Personal ang wikang gamit sa pagsulat ng tekstong persuweysib.
  • 5. Kinikilala dapat ng sumusulat ng tekstong persuweysib ang target niyang mga mambabasa.